Advertisers
ARESTADO ang dalawang drug suspects kabilang ang 18-anyos na dalagang itinuturing bilang High Value Individual (HVI) sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, Sabado ng umaga.
Sa ulat ni Caloocan Police Chief P/Col. Joey Goforth kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Christopher Dela Cruz, positibo ang natanggap na impormasyon ng kanyang mga tauhan hinggil sa umano’y illegal drug trade ng suspek na si alyas “Lyn”.
Ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Caloocan Police ang buy bust operation laban kay alyas Lyn, sa koordinasyon sa PDEA.
Inaresto ito kasama ang kasabwat nitong 20-anyos na lalaki makaraang bentahan ng shabu ang isang pulis sa Barangay 188.
Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 64 grams ng shabu na may estimated street value na P435,000, buy-bust money, at cash .
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sections 5, 11, at 26 ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.(Beth Samson)