Advertisers

Advertisers

Alex Eala umangat sa 40th sa WTA official ranking

0 14

Advertisers

PATULOY na umaangat si Alex Eala sa WTA rankings, nagtala ng bagong career-high na No. 40 matapos ang kanyang mahusay na pagtatanghal sa Abu Dhabi Open noong nakaraang linggo.

Ayon sa pinakabagong listahan ng WTA na inilabas Lunes, umakyat si Eala ng limang puwesto mula sa kanyang dating ranggo na No. 45.

Ngayon, mayroon nang kabuuang 1,244 na puntos si Eala.

Inaasahang lalong aakyat si Eala matapos ang kanyang panalo sa susunod niyang torneo — ang Qatar Open sa Khalifa International Tennis and Squash Complex sa Doha.

Haharapin ng 20-taong gulang na Filipina na netter si Tereza Valentova ng Czech Republic sa unang round ng Qatar Open sa ganap na als 8 ng gabi Lunes.

Ang kanyang ranggo ay nakatakdang tumaas nang malaki kung kanyang mapapanalunan ang kanyang susunod na torneo — ang Qatar Open sa Doha.