Advertisers

Advertisers

Sunod-Sunod Ang Showbiz Activities! Rozz Daniels, Celebrity Judge Ngayon Araw(Feb 10) Sa “Miss Gay Pangkalawakan 2026” Sa Fiesta Sa Otis Paco, Manila

0 30

Advertisers

Ni Peter S. Ledesma



Kung sa Brgy. Nigui Sitio, Masantol, Pampanga ay sa matagumpay na Singing Contest hurado at tumayong Chairman of the Board of Judges si Rozz Daniels. Ngayong araw(Feb 10) ay naimbitahan naman si Rozz, para sa fiesta ng Otis Paco, Manila at siya ang Celebrity Judge” sa “Miss Gay Pangkalawakan 2026.” Bahagi ito ng selebrayon ng taunang fiesta ng lugar. Nakakatutuwa na sa maikling panahon mula ng bumalik sila from Wisconsin, USA ng american husband na si Sir David dito sa Pinas na stay for good na here. Sunod-sunod na ang showbiz activities ni Rozz. At may 2 pa siyang hawak na titles na “Pop Rock Diva” at “Independent Concert Queen.” At nakagawa na ng solo concert sa Viva Cafe. And Rozz is very thankful sa mga kumukuha sa kanya at nagtitiwala sa kanya bilang singer-performer and recording artist.

Going back sa Miss Gay Pangkalawakan 2026. Bilang hurado nito, ay nagbiro si Rozz, baka dahil tawa lang siya nang tawa at hindi na makapag-concentrate sa pagja–judge. But kidding aside mahusay na hurado ang nasabing International singer.



Riot ang Gay contest na ito, kaya tiyak na ma-eenjoy ni Rozz, ang pagiging judge. Malapit sa puso ng “Pop Rock Diva” ang LGBTQ+ at masaya raw kasama ang mga ito. Kaya kita niyo naman kaming Team niya, ay love na love talaga ni Rozz at hindi lang kaibigan ang mga turing sa amin kundi parte ng family nila ni Sir David Daniels na super bait din. Two days mag-i-stay ng Go Hotel Otis si Rozz at Sir David at makiki-fiesta pa ang sweet and lovely couple sa Feb 11.

Samantala, soon ay ay ire-release na ang bagong single revival ni Rozz na “BULONG NG DAMDAMIN” na likha o compose ni Doc Mon Del Rosario. Nasa Tiktok, na rin ito na umani na ng thousand of views. Sa February 14, Araw ng mga Puso ang target date ng release ng latest single na ito ni Rozz, na handog niya para sa mga taong ipinaglalaban talaga ang kanilang pagmamahal, sa napiling ibigin sa buhay.