Advertisers

Advertisers

DAHIL SA SUNUD-SUNOD NA BRUTAL NA PATAYAN AT MALAWAKANG PANDARAMBONG, KAILANGAN NA SIGURONG IBALIK ANG DEATH PENALTY

0 20

Advertisers

TILA wala na yatang takot sa Diyos at batas ang mga salaring ito na walang-awang pumapatay ng kanilang kapuwa gayun din ang mga mandarambong na nagnakaw sa kaban ng bayan na aabot sa TRILYONG PISO.

Pinatay na, ninakawan pa..kundi man ay ginahasa muna bago patayin at may situwasyon ring aataduhin pa ang katawan ng kanilang biktima at saka ita-tapon sa iba’t-ibang lugar.

Ganyan ka brutal ang mga kriminal ngayon na wala na ring konsensiya at kaluluwa, mantakin mong ultimo mo mga batang paslit na wala pang samsung taon gulang ay dinadamay pa tsk… tsk… tsk…

Hindi man mga mamamatay tao ay para mo na ring pinatay sa hirap ang milyon mong mga kababayan matapos na saidin ang kaban ng bayan na nakalaan para sa Flood Control Project.

Para lamang sa sariling mga interes, bilyong pisong ang NINAKAW NG MGA MANDARAMBONG na tiniis ang milyon nilang mga kababayan na nakababad sa baha ang mga paa.

Ilan sa mga ito ay mga Congressman at mga Senador na niluklok ng taumbayan upang sila ay paglingkuran at hindi upang nakawan.

Sa loob ng limang buwan mula noong 2025, tinatayang limang bata na ang napapatay sa iba’t ibang dako ng bansa.

Sa limang ito, dalawa dito ay babae na walang-awang gina-hasa muna bago patayin at saka na lang tinapon sa masukal na lugar.

Sa mga batang lalaki naman, isa dito ay walang-habag na pinagtataga hanggang sa mamatay sa San Pablo city, Laguna nito lang lumipas na buwan.

Ito ay 8-anyos lang at Isang grade 3 student, alam niyo ba ang motibo ng suspect?

Makulit daw kasi ang bata at palaging tinutukso ang kanyang apong babae na lagi niyang dinadatnang umiiyak, sobrang babae na dahilan, di po ba?

Ang huli naman ay isang 8-anyos din na pinatay naman sa sopokasyon at saka tinapon sa Isang kalamansiaan sa Victoria, Tarlac.

Una munang pinatay ang nanay nito na Isang policewoman matapos barilin sa ulo. Siya naman ay natagpuan sa Isang bukirin sa Pulilan, Bulacan.

Alam niyo ba kung sino ang mga suspect, mismong ama ng bata na isang dating pulis, kumpare ng kanyang ama na Isang dismiss na pulis, asawa ng kumpare na Isang car agent at isa pa ring dismiss na pulis na nag-silbi sa kanila bilang driver at helper.

Sa madaling-sabi, ang mga taong sangkot dito ay halos pulis lahat, to serve and protect daw he… he… he…

Maliban dito ay marami pang PATAYAN ang nagaganap dito sa ating bansa, una na dito ang drug war ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na kung saan tinatayang 10,000 libo ang naging biktima.

Sinundan naman ito ng masaker sa Negros na kung saan si Congressman Teves ang suspect at ang latest ay ang missing sabungeros na kung saan si Atong Ang naman ang bida.

Bukod kay Duterte na nakadetine ngayon sa ICC detention cell sa The Hague, hindi pa rin malaman kung nasan talaga si Teves at itong si Atong na nawalang parang bula at pinaniniwalaang nasa Cambodia na.

Sa dami NG MGA taong namatay na sila ang sinasangkot ay balewala lang nag disappearing act na lang iniwanang nakabimbim ang kaso nilang kinakaharap.

Parang mga langgam lang ang mga naging biktima na nagha-habol ng wala namang hinahabol.

Sa situwasyon ito ay walang ibang sinisisi ang publiko kundi ang gobyerno na wala daw pangil at kamandag upang sugpuin ang ganitong mga insidente.

Wala daw nagiging sample, halimbawa at resulta na sa simpleng salita ay walang naresolba.

Marami ang nagsasabi na IBALIK ng muli ang Death PENALTY upang magkaroon man lang ng kaba at konting takot ang mga taong nasa likod ng mga krimeng ito.

SIGURO naman kung may nakita ng binitay at namatay sa silya elektrika ay kakabahan na ang mga ito at magda-dalawang isip din bago isagawa ang krimen.