Advertisers
KyumterPH. Sino ba ang grupong ito? Ano ba ang kanilang layunin? Ang pangalang kyumter ng grupo ay mula sa pinagsamang salita na Kilos Konsyumer at Komyuter.
Ayon kay Isagani Bogabel, tagapagsalita ng grupo, ang Kyumter ay magiging boses ng konsyumer at komyuter na manggigising sa gobyerno na kung saan ay nagbibingihan sa karaningan o kasalukyang idinadaing ng milyong konsyumer at komyuter.
Hindi naman lingid sa atin kaalaman na tayong lahat ay kabilang sa kabuuan – konsyumer at komyuter. Sino ba ang hindi konsyumer sa atin at sino din ba ang hindi komyuter sa atin?
Sa kasalukuyan ay nahaharap ang Pilipino sa sobrang taas ng mga bilihin – ang basis needs ay halos araw-araw na lamang tumataas. Nandyan din ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo na siyang isa sa pangunahing dahilan kung bakit pataas ng pataas ang mga bilihin. Kahit nga ang presyo ng pinakasimple gulay ay apektado – kangkong na dati ay P5.00 kada tali ngayon ay P15.00-P20.00. Bakit? Dahil sa produktong petrolyo – tumaas ang gastusin ng mga nagbabagsak ng gulay sa mga palengke dahil sa tumaas din ang presyo ng mga produktong petrolyo – gets niyo? Ganoon na din sa iba pang pangunahng bilihin.
Pagdating naman sa problema ng mga komyuter – hayun, sa sobrang trapik, lantang gulay na ang mga manggagawa pagdating sa trabaho maging sa pag-uwi sa bahay dahil sa sobrang trapik at walang sapat na masasakyang pampubliko…at marami pang ibang problema patungkol sa karaingan ng mga komyuter.
Sa nasabing karaingan, ani Bogabel kung kaya nabuo ang grupo para siyang manggising sa pamahalaan na binabalewala ang kalagayan ng mga konsyumer at komyuter. Masyado silang abala sa ibang bagay – ang pamahalaan.
Anang grupo, masyadong nakatuon ang atensyon ng pamahalaan sa awayan at hindi sa kapakanan ng tao. Sa pamamagitan ng KyumterPH – mananawagan sila ng konkretong aksyon kaugnay sa araw-araw na pinoproblema ng mga konsyumer at komyuter.
Tulad ng lunas sa trapiko – hindi isang pangako ang kalunasan. Katunayan anila, dahil sa trapik ay malaki ang nawawala sa ekonomiya P3.5 bilyon kada araw.
Ayusin ang PUV modernization – ang kakulangan ng masasakyan ay bunga ng palpak na implementasyon ng modernization program – matapos ang walong taon, 20% pa lang ang accomplishment sa route rationalization.
Sugpuin ang kolorum na naglipana kung saan ay nananawagan sila sa LTFRB, MMDA at PNP paa sa konkretong aksyon.
“Ang KyumerPH ay nabuo dahil naniniwala kami na mahina ang tinig ng mamamayan kung tayo ay watak-watak. Bilang mga konsyumer ng serbisyo ng transportasyon, tayo ang nagpapatakbo sa ekonomiya, kaya dapat tayong pakinggan ngh mga polisiya,“ pahayag ng grupo.
Nitong Lunes, Pebrero 9, pormal na inilunsad ang grupo sa Lungsod Quezon.