Advertisers

Advertisers

Mark Herras tuloy ang trabaho kahit nag-breakdown

0 24

Advertisers

Ni Anne Venancio

Professional pa rin si Mark Herras dahil sa kabila ng kanyang breakdown, tinuloy nito ang trabaho na nakatanguan matapos itong nagtanghal sa Guadalupe Viejo Fiesta sa Makati City kung saan isa siya sa artistang imbitado sa programang GV, Tawanan at Tugtugan 2026.

Base sa mga video, walang bakas ng pinagdaraanan ang aktor habang sumasayaw sa harap ng mga manonood.

Nag-ugat ang pag-aalala ng fans at ilang kapwa artista sa video na ipinost ni Mark noong Pebrero 5, kung saan makikitang umiiyak ang dating StarStruck Ultimate Male Survivor.

Napansin din ng publiko na hindi na naka-follow sa isa’t isa sa Instagram si Mark at ang kanyang misis na si Nicole Donesa, na nagdulot ng iba’t ibang haka-haka tungkol sa kanilang relasyon.

Para kay Mark, “the show must go on” at nanatiling committed sa kanyang propesyon, na nagpasaya sa mga dumalo sa pista at sa kanyang mga tagahanga.