Advertisers
Palpak at nasayang lamang ang tinatayang P5 bilyon na inilaan sa naging implementasyon ng PUV MODERNIZATION PROGRAM ayon sa KYUMTERPH kasunod ang paggigiit na wakasan ang bangayan sa politika at tugunan na ngayon ang kalbaryo ng komyuter at konsyumer.
Ang tila walang katapusang TEATRO NG POLITIKA ay mariing kinokondena ng KYUMTERPH dahil ang ordinaryong mamamayan ang nagdurusa sa palpak na sistema ng pampublikong transportasyon; kung saan, ang KONSYUMER at KOMYUTER ay mistula umanong mga buhay sa nakalalasong kapaligiran na mas inuuna ang away-politika kaysa sa serbisyong dapat ay sumasagip sa pangangailangan ng mamamayan.
Sa isinagawang press conference sa Quezon City ng KYUMTERPH sa pangunguna ng tagapagsalita na si ISAGANI BOGABEL ay ipinunto ng mga ito na ayusin ang PUV MODERNIZATION dahil ang kakulangan ng masasakyan ay bunga ng palpak na implementasyon ng modernization program at ang lumipas na 8-taon ng programa ay 20% pa lamang ang accomplishment sa route modernization at hanggang ngayon ay pinag-aaralan pa rin.
Ang KyumterPH (KILOS KONSYUMER-KOMYUTER) ay naniniwalang mahina ang tinig ng mamamayan kung watak-watak.., na bilang mga konsyumer sa serbisyo ng transportasyon at nagpapatakbo sa ekonomiya ay nararapat umanong mapakinggan sa pagbalangkas ng polisiya.
Sa punto ng naturang grupo ay kailangang malunasan ang trapiko at hindi pangako lang dahil tinatayang P1.2 trilyon ang nawawala sa bansa taun-taon; sugpuin ang mga kolorum na sasakyan para sa seguridad ng mga pasahero; at pagkalooban ng suportang dagdag kabuhayan ang mga driver at operators.
“Mula sa Greater Manila Area Hanggang sa Luzon, Visayas at Mindanao, hahabulin natin ang isang malakas na network upang tiyakin na ang boses ng mahihirap ay hindi na muling malulunod sa ingay ng politika. Tigilan ang bangayan. Magtrabaho para sa bayan. Ang bawat minutong sinasayang ninyo sa away-politika ay oras na ninanakaw ninyo sa buhay ng bawat komyuter na Pilipino,” pagpupunto ni BOGABEL.
Mga ka-ARYA.., sa isyu ng PUV MODERNIZATION PROGRAM ay tila inuna ng mga IMPLEMENTOR ang kanilang makokomisyon o kikitain sa paggigiit na ang modernization ay kailangang IMPORTED VEHICLE ang gamitin ng mga namamasada gayung marami tayong mahuhusay na LOCAL JEEPNEY MANUFACTURER na dapat suportahan ng gobyerno upang makalikha pa ng maraming trabaho para sa mamamayan natin.., subalit mas ipinaggiitan pa ng mga IMPLEMENTOR na ang makakategorya sa modernization ay ang mga imported vehicle lamang. Ang ganitong polisiya ay isang sistema ng mga mapanlinlang na CORRUPT OFFICIALS sa ating GOBYERNO na hindi natin kinakitaan ng pagmamahal sa kapakanan ng buong mamamayan lalo na sa hanay ng mga naghihirap na mamamayan.., DAPAT SUPORTAHAN NG GOBYERNO ANG LOCAL MANUFACTURERS PARA MAGKAROON NG TRABAHO ANG MARAMI NATING MAMAMAYAN AT HUWAG IPAGGIITAN ANG IMPORTED VEHICLES SA SECTOR NG MGA NAMAMASADA!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.