Advertisers

Advertisers

Restaurant ni Matteo Guidicelli sa Alabang nasira, inararo ng kotse

0 22

Advertisers

Ni Anne Venancio

Nasira ang al fresco area ng restaurant na pagmamay-ari ng pamilya ni Matteo Guidicelli matapos itong mabangga ng isang sasakyan nitong Pebrero 8, 2026 sa Alabang.

Base sa post sa Facebook page ng aktor, nangyari ang insidente bandang alas-4 ng hapon sa Da Gianni Cucina Italiana sa Westgate Molito. Thankful ang aktor na walang nasaktan sa aksidente, dahil wala nang mga kostumer bandang alas-1:30 ng hapon kaya bakante ang lugar nang mabangga ito.

Ipinakita rin sa post ang pinsalang natamo ng panlabas na bahagi ng establisimyento, habang nananatiling bukas ang interior dining area para sa mga bisita. Pansamantala namang isinara ang al fresco section para sa safety ng lahat.

Matatandaang binuksan ang Da Gianni Cucina Italiana noong 2018 at ipinangalan sa yumaong lolo ni Guidicelli na nagmula sa hilagang Italy. Isa ito sa mga negosyong pinatatakbo ng pamilya ng aktor sa Pilipinas.

Nagpasalamat si Matteo sa mga nagpaabot ng suporta at panalangin matapos ang insidente, at nagpahayag ng pasasalamat na walang nasaktan sa nangyari.