Advertisers
Ni Beth Gelena
Nawalan ng isang iniindorsong produkto si Barbie Imperial dahil opisyal na raw itong tinanggal bilang endorser ng Hikari SnartWatch dahil umano sa third party scandal.
Kamakailan lang ay naglabas ng anunsyo ang Hikari na tatanggalin na ang lahat ng photos at tuluyan nang puputulin ang kontrata ni Barbie bilang kanilang brand ambassador.
Ang desisyong ito ay kasunod ng pagkumpirma nila ni Richard Gutierrez, kamakailan
Binase umano ng kumpanya ang Root Cause ng laman ng mga pambabash.
“Kahit pa inamin ng dalawa ang kanilang tunay na status matapos makitang magkasama sa iba’t ibang events, tila hindi “blessed” ang publiko. Sa halip, matinding batikos ang tinatanggap ni Barbie dahil sa akusasyong siya ang naging “third party” na dahilan ng paghihiwalay nina Richard at Sarah Lahbati noong nakaraang taon—isang relasyong tumagal ng 13 taon.
Agad na nag-trending ang hashtag na #TeamSarah bilang suporta sa ex-wife ni Richard.
Sugod din ang mga netizens sa fanpages ng mga brands na ini-endorse ni Barbie para hilingin na i-cancel ang kanyang mga contracts.
Ayon sa pahayag ng Hikari, “Nirerespeto namin ang privacy ng bawat isa, ngunit kailangan naming protektahan ang imahe ng aming brand na nagpapahalaga sa pamilya at integridad.”
Para sa kanila, masyadong malaki ang risk na panatilihin ang isang endorser na sangkot sa isyu ng moralidad.
Sa pagkakaalis nila kay Barbie bilang endorser ay naglabas din sila promo program na may 70% discount para sa Smartwatch Series 8, ang mga limited watch na si Barbie pa nageendorso dati.
Ani ng isang commenter: “Matalino ang brand na ito dahil mabilis nilang tinapos ang kontrata. Kung hinayaan nilang i-boycott sila ng mga tao, siguradong hindi mabilang ang magiging lugi nila”
Uhmmm.. Hindi naman kaya nagiingay lang ang kumpanya at sumasakay sa isyu ng lovelife ni Barbie?
Opinyon lang po namin ito.