Advertisers

Advertisers

Tama lang!: Yaman ni Zaldy Co sisimutin ng gobierno

0 18

Advertisers

TAMA lang na bawiin lahat ng gobierno ang mga nakamal na kayamanan ni ex-Congressman Zaldy Co na sa aminin man o hindi ay galing sa mga pandaraya sa mga kontrata sa government projects.

Oo! Habang pinalalawak ang imbestigasyon sa flood control scandal, nabuking ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang ilang luxury yachts na may kaugnayan sa nagbitiw na kinatawan ng Ako Bicol party-list, bukod pa sa mga naunang naitalang air assets.

Say ni ICI Technical Working Group chairman Assistant Secretary Aboy Paraiso, kabilang sa mga pinagmumulan ng pagsusuri ang Misibis Bay Corporation na pag-aari ni Co, at nagmamay-ari rin ng luxury resort sa Bacacay, Albay.

Sa kasalukuyan ay iniimbestigahan ng ICI ang higit 140 indibidwal at 300 korporasyon kaugnay ng mga anomalya sa flood control projects, habang naghahanda naman ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) ng bagong freeze order. Araguy!!!

Habang beripikado pa ang aktwal na pag-aari ng mga asset bago magsagawa ng freeze, malinaw na malaking porsyento ng kayamanan ni Co ang nasa ilalim ng scrutiny. Mismo!

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), dalawang AgustaWestland helicopters na kaugnay kay Co ay nasa Malaysia, at isang Gulfstream aircraft ay nasa Singapore. Sinasabi na aabot sa P4 billion na konektado kay Co ay na-freeze na.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang abogado ni Co, si Atty. Ruy Rondain, at inihahain parin ng publiko ang mga tanong kung hanggang saan ang lawak ng kontrol at yaman ng dating kongresista.

Samantala, na-fullout na ang mga heavy equipment ni Co sa mga construction site sa mga probinsiya kungsaan nakopo niya ang mga kontrata sa seawall, flood control, road openings, rock netting sa mga kalsadang prone sa landslides, at iba pang govt. infras. Kaya nakatiwangwang ngayon ang ilang naturang mga proyekto. Hindi lang natin alam kung bayad na ito sa kanya?

Ang construction companies na nasa ilalim ni Co ay ban na sa DPWH. Tama lang!

At taman na bawiin lahat ng kanyang kuwestiyunableng kayamanan. Mismo!

***

Pumanaw na si dating House Speaker at tumakbong presidente noon na si Joe de Venecia sa edad 89 anyos, ayon kay Dagupan City Mayor Belen Fernandez.

Si JDV ay naging lider ng Kamara noong pangulo si Gloria M. Arroyo.

Tumakbo siyang presidente laban kay “Erap” Estrada noong 1998.

Rest in peace, Manong JDV.

***

Hinamon ni Sen. Rodante Marcoleta ng debate sa isyu ng West Philippine Sea si retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio.

‘Di kaya nabigla lang si Marcoleta? Eh eksperto sa batas sa WPS si Carpio.

Tinanggap ni Carpio ang hamon. Sana ‘wag umatras si Marcoleta. Abangan!