Advertisers

Advertisers

8 MARINA, 6 PCG officers sibak sa paglubog ng M/V Trisha Kerstin 3

0 10

Advertisers

Pinasibak ni Transportation Secretary Giovanni Lopez ang ilang opisyal ng Maritime Industry Authority (MARINA) at Philippine Coast Guard (PCG) kaugnay ng paglubog ng MV Trisha Kerstin 3 sa Basilan.
“Starting today, I asked MARINA to file administrative cases and to place the people under Region 9 MARINA under preventive suspension… gano’n din po sa PCG,” ani Lopez sa isang press conference nitong Miyerkoles.
Ayon kay Lopez, kabilang sa isinailalim sa preventive suspension at pinakakasuhan ang station commander ng Coast Guard sa Zamboanga, mga opisyal ng Maritime Affairs Branch, at mga miyembro ng boarding team.
Kasama rin sa listahan ang ilang opisyal ng MARINA, kabilang ang regional director, engineer, shipbuilding specialists, at shipping operations officers.
Binigyang-diin din ni Lopez na hindi rin magdadalawang-isip ang ahensya na magsampa ng criminal charges laban sa mga opisyal kung mapatutunayang may kapabayaan.
Ipinag-utos na rin niya sa MARINA ang pagsasampa ng administrative cases laban sa Aleson Shipping Lines.
Matatandaang Enero 26 nang lumubog ang M/V Trisha Kerstin 3 habang patungong Jolo, Sulu. Umabot na sa 52 ang nasawi sa insidente.