Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
Hindi umano napapagod tumulong si Daniel sa kanilang pamilya, ayon kay Karla Estrada.
Bilang si Karla Estrada ang pinakaunang celebrity brand ambassador W Express na isang cargo sa ilalim ng ng Wide Wide World Express Corporation ay tinagurian na rin siyang Kargo Queen bukod pa sa Momshie at Queen Mother.
Noong Monday lang sila nagkapirmahan kasama ang mga executives ng W Express na sina Ms. Dawn Feliciano at Emilie Alcid.
Bilang bagong bansag sa kanya na Kargo Queen, napapag-usapan ang mga sinasabing kargo sa buhay.
Sabi ni Karla; “Itong pagiging Kargo Queen, hindi lang ito sa akin. Ito rin ay para sa lahat na mga nanay o magulang na nung nag-start silang maging parents ay talagang kargo nila ang kanilang pamilya.
“That’s why, I’m really excited dito sa bagong title natin ngayon; the Kargo Queen. Marami talagang makaka-relate dito.”
Hindi naman daw pabigat ang ibig niyang sabihin, kundi sa isang nanay lalo na’t kung nag-iisa ka lang, pamilya raw talaga ang itinuturing niyang kargo sa buhay.
“Pamilya pa rin ang biggest kargo in life.
“Hindi naman na parang pahirap,” pakli nito.
Pero sa kanilang pamilya, si Daniel daw talaga ang katuwang niya sa dinadala nilang kargo.
Kaya tinanong na rin namin si Karla, kung sa ngayon ba ay masasabing pinakawalan na niya si Daniel para mamuhay nang mag-isa at bumuo ng sarili niyang pamilya?
Sagot niya,“Matagal na. By the time na nakita ko na responsible na siya, sa pera niya, sa trabaho, sa buhay niya ahhh ipinaubaya ko na sa kanya ang kanyang pakpak.
“Matagal na siyang napalaya at lumipad. Because ang mga anak ko ay maaga kong ginawang responsable sa buhay. Hindi ako nag-alala,”
Hindi naman daw dumating sa puntong napagod si Daniel sa dinadalang kargo ng pamilya.
“Hindi naman. Kasi ako inabot ko naman singkuwenta, hindi pa ako pagod ha?
“Alam n’yo ang pagsisilbi kasi, pagtulong sa pamilya, hindi ka mapapagod e. Basta galing ‘yan sa of course ang kalooban mo.
“Ang nakakapagod lang diyan ‘yung nakikita mong hindi nago-grow yung kapamilya mo.
“Hindi nagsusumikap, nasanay na nakatanghod sa ‘yo at naghihintay. Iyun ang medyo nakakapagod at nakakalungkot.
“So pagdating kay Daniel, iniwasan na namin lahat ‘yun. Ginamot ko na ang lahat bago dumating siya—na maging isa ring kargo ng pamilya.
“Actually, napunan ko naman na. Naabutan na lang ni Daniel mga 20 percent na lang,” aniya pa.
Matagal na raw niyang pinakawalan si Daniel, iyung siya na ang nagde-decide para sa kanyang career at kung gusto na nitong magkaroon ng sarili niyang pamilya. “Anytime, kung gusto niya, matagal na. Since before pandemic pa. Okay na siya. Kasi si Daniel matanda mag-isip. Sobra siyang matanda, makaluma, marami siyang ideas. Lolo talaga siya mag-isip. So, he’s very responsible, maaga siguro siyang namulat,” tugon nito.
“At 15, nasa industriya na siya. At a very young age alam na niya na ako lang nandito mag-isa. So, nakatulong din na yung mga anak natin mulat sa totoong buhay na meron ang pamilya niya.
“Hindi ko binuhay ang mga anak ko sa pagkukunwari,” dagdag niyang pahayag.
AYAW nang magbigay pa ng reaksyon ang award-winning actress na si Sylvia Sanchez sa nangyaring confrontation diumano sa pagitan nina Robi Domingo at John Lloyd Cruz sa wedding reception ng kasal ng anak niyang si Ria Atayde kay Zanjoe Marudo noong December, 2025.
Balitang nagkainitan ang dalawa dahil hindi raw nagustuhan ni John Lloyd ang birong hirit ni Robi kina Ria at Zanjoe sa harap ng mga bisita.
Si Robi kasi ang nagsilbing host sa reception ng kasal ng celebrity couple at ang chikang lumabas, muntik na raw magsuntukan ang dalawa.
“I love Lloydie, oo! I love him so much. Oo. Hanggang du’n na lang. Anak ko si Lloydie at hindi mawawala yun.
“Mahal ko rin si Robi. Kung ano man yun, hanggang diyan lang kayo,” ang natatawang sey pa ni Ibyang na umiiwas pag-usapan ang isyu nang makapanayam siya ng entertainment press.
Samantala, nahahati at nababalanse naman ni Syvia ang kanyang panahon sa kanyang mga responsibilidad bilang producer, wifey, nanay at lola ng nag-iisa niyang apo kina Ria at Zanjoe na si Sabino.
“Time management pa rin, e. Marunong pa rin akong mag-manage sa ganu’n,” ani Sylvia.
Sumusumpa si Ibyang na hindi niya pinakikialaman ang pagpapalaki nina Ria at Zanjoe sa panganay nilang anak.
“Ngayon, sina Ria, meron silang sariling buhay, sila ni Z. Hindi ko puwedeng kunin yung anak nila maya-maya. Kasi nasa kanila yun, e.
“Kapag nasa amin lang, halimbawa nahiram namin o pupuntahan namin, yun lang yun pag weekend.
“Ayokong pakialaman yung pagpapalaki nila sa anak nila. Ayokong pasukin na ako ang masusunod, hindi!
“Sila ang nanay at tatay, sila ang mag-alaga. Alam mo yun? So ang sa akin, pag may time, Sunday lang, makikita ko. Yun lang.
“Respeto ko yun sa mag-asawa. Hindi ko puwedeng pangunahan ang mag-asawa dahil anak nila yun,” pahayag pa niya.