Advertisers

Advertisers

GLAIZA NABOTHER SA KOMENTO NG NETIZENS NA MAY TENDENCY MAG-CHEAT ANG MISTER DAHIL KAY MARIS

0 21

Advertisers

Ni Beth Gelena

Opisyal nang binasag ng Kapuso star na si Glaiza De Castro ang kanyang katahimikan kaugnay ng mga usap-usapan online tungkol sa kanyang asawang si David Rainey at aktres na si Maris Racal.

Nag-ugat ang isyu sa isang viral clip na kuha noong premiere night ng pelikulang Unmarry last year.

Um-attend ang mag-asawang Glaiza at David sa premiere para suportahan ang kaibigang si Angelica Panganiban, ang lead actress ng nasabing pelikula.

Maraming netizens ang nakapansin na titig na titig ang mister ni Glaiza kay Maris Racal habang nagsasalita ito sa entablado.

Kumalat ang video clip sa social media platforms at ginawan ng isyu ng mga Martes.

Dahil dito ay binasag na ng Kapuso aktres ang kanyang katahimikan.

Ipinaliwanag niya na naaasiwa lang ang kanyang asawa habang sila ay nasa entablado dahil hindi naman daw showbiz ang kanyang mister

Inihayag ng Kapuso aktres na ang unang reaksyon ng asawa sa trending na clip ay isang gulat na “Blood hell” dahil hindi siya sanay sa atensyon ng publiko.

Sa kabila ng mga malisyosong komento mula sa ilang netizens, pinili ni Glaiza na sundin ang payo ng kanyang pamilya na huwag pansinin ang mga walang basehang paratang ng mga may malisyosong pag-iisip

Aniya sa Fast Talk with Boy Abunda, ipinakita raw niya ang trending video kay David para makita ang reaksyon nito.

“Sabi ko, ‘Trending ka.’ Sabi niya , ‘ What ? Gumano ‘ n lang siya Actually , hindi po talaga siya sanay sa public , ” natatawang sabi ng aktres.

Pag-amin pa niya, “It was so awkward kasi magkahawak po kami ng kamay habang papunta kami sa stage. So ang iniisip ko, ‘Ano ba? Sabihin ko ba sa kaniya na pupunta muna ako sa stage, ako muna, tapos mag-wait ka na lang.’”

Dahil masyado raw mabilis ang event, she decided to bring David up with her.

When Maris Racal and Kean Cipriano were also called to the stage, David found himself in a spot where he didn’t know where to look.

Esplika pa ng aktres, habang nagsasalita si Maris nung time na yun, it was only natural for David to look at the speaker.

“So, syempre, ang tendency ni David parang, ‘Anong gagawin ko rito?’ Hindi naman din po siya kinakausap. Kumbaga, parang wala namang nagtanong sa kanya… So no’ng time na nagsasalita si Maris, of course, tumitingin siya kay Maris. So iyon ‘yong explanation,” dagdag ni Glaiza.

Aminado siyang negative comments ang kanyang nababasa sa trending video clip like “David tendency to cheat.”

Na-bother siya kaya komunsulta sa pamilya.

Advise sa kanya ng nga ito, ay dedmahin na lang daw o iignore ang mga trolls.

Sina Glaiza at David na isang

Irish businessman, ay kinasal in a Celtic ceremony sa Northern Ireland nung 2021 at 2023 ay nagpakasal sila for their second wedding dito sa Pinas.

Nag-celebrate ng kanilang third “Filipino anniversary” lastJanuary 2026 kung saan nagpost si Rainey posted ng heartfelt message sa kanyang wifey na makikita sa kanyang Instagram.

He shared photos from their beach wedding in Zambales, expressing how he still feels like the luckiest man alive to be her husband.