Advertisers

Advertisers

MABILIS MAKAPAGPUNDAR SI MAYOR

0 5,311

Advertisers

NOONG Martes, muling nagpadala ng malinaw na “mensahe” ang administrasyon ni PBBM na “gusto” nitong bumalik ang mainit na relasyon ng Pilipinas at China.

‘Special Guest’ kasi sa Chinese New Year’s Party na idinaos ng Chinese Embassy noong Martes sa The Fort, Shangri-la, si First Lady Liza Araneta Marcos, sa imbitasyon na rin ni Ambassadzor Jing Quan.

Kasama rin sa pagtitipon si Tourism Secretary Christina Frasco at kinatawan ni Foreign Affairs Secretary Theresa Lazaro upang ipakita sa China na “seryoso” ang Pinas na ipatupad ang ‘free-visa entry policy’ para sa mga turista at negosyante mula sa China na naging epektibo noong Enero 16.

Noon namang Enero 29, matagumpay na naidaos sa Cebu ang ‘Senior Officials Meeting’ ng ‘Pinas at China pagkalipas ng higit isang taon, upang mapag-usapan ang mga isyu sa South China Sea,

Sa ganitong takbo ng mga pangyayari, magiging maayos na kaya ang relasyon ng ‘Pinas at China?

Hindi pa rin. Noong Lunes kasi, sa halip na kondenahin ang pambabastos ni PCG Commodore Jay
Tarriela kay Chinese President Xi Jinping noong isang buwan dahil labag ito sa ating kultura, tinawag pa itong ‘performance of official duties’ ng 15 senador na ipinilit pa ring maipasa ang Senate Resolution 256.

At “nagkataon” lang kaya o “sinadya” nitong si Tarriela at ex-Justice Antonio Carpio na isabay sa mismong hotel, kung saan special guest si FL Liza– at sa kaparehong oras– ang “gimik” nil ana ‘West Philippine Sea (WPS) Mural Festival’ na ang tanging misyon ay patuloy na “lasunin” ang relasyon ng ‘Pinas at China.

Hmm. “Sino” ba talaga ang “presidente” ng mga opisyal ng ating gobyerno? Si PBBM ba o mga Amerikano?
***
Katatapos pa lang ng ‘midterm elections’ pero sadyang kagulat-gulat ang bilis “makapagpundar” ng isang mayor sa Metro Manila.

Ayon kasi sa isang miron, ex-APCU prexy Sixto Benedicto, wala pang isang taon, “nakapagpundar” na agad ng isang ‘mansion’ sa Dasmariñas Village, Makati, itong ating bida!

Abah, baka sadyang “may pera sa basura?” O sadyang matalas, ehek, “masinop” lang si mayor?

Abangan!