Advertisers
Usaping pambansa ang presyo ng bigas na tuwirang may epekto sa bawat pamilyang Pilipino higit sa tao sa laylayan. Hindi tuwirang napapagalaw ng presyo ng bigas ang iba’t ibang bilihin subalit dama ng Pinoy ang kakulangan sa isinasaing at inihahain sa hapag-kainan. Batid na malaking usapin ang pagkunsumo ng bigas sa hanay ng pamahalaan sa paglalaan ng bilyon bilyong pisong halaga upang makaabot sa mga tahanan ng mga Pinoy ang butil ng bigas na ‘di mawawala sa hapag-kainan. Sa halaga ng usapin sa bigas, hindi nagdalawang isip ang pamahalaan ni Jun Singhot at gumawa ng paraan upang makarating sa mga tahanan ang banggit na butil. Sa pagnanasang makarating ang bigas sa mga kabahayan ng tao sa laylayan, napilitang magbigay ayuda ang pamahalaan sa pamamagitan ng pagpapababa ng halaga ng bigas na abot kamay ng bawat pamilyang Pinoy, Php20.00/K.
Sang-ayon ang Batingaw sa tugon ng pamahalaan sa pagbibigay ng ayuda higit sa usapin sa presyo ng bigas na daig ang pagpapalipad ng sarangola sa bilis ng pagtaas ng presyo. Subalit ganap na nakukulangan sa kadahilanang hilaw ang dating at ‘di pangmatagalan at tila ‘di makamagsasaka ang dating. Ang paglalaan ng pondo upang ibaba ang presyo ng bigas ay pansamantala na ‘di matatagalan ng bayan higit sa ‘di batid na paglobo ng bayarin ng pamahalaan. Sa totoo lang, kakaunting Pinoy ang nakikinabang sa mababang presyo ng bigas sa limitadong mga mabibilhan na ang Kagawaran ng Agrikultura (KA) ang may pakana. At ang kakulangan na mabibilihan sa dami ng mamimili o consumer ang gamit ng mapangpula laban sa pamahalaan na ‘di ganap na natutugunan ang may kamahalang bigas.
Sa pagsasaliksik,‘di magaganap sa pangmatagalan ang pagbaba ng presyo ng bigas mercado sa kadahilanang inaangkat ang bigas na ipinagbibili sa ilang lugar sa bansa. Pansamantala ang mababang presyo ng bigas sa mga tindahan ng KA. Ang likha o gawa gawang mababang presyo ng bigas ang dahilan na ‘di nakakatulong sa mga magsasaka sa halip ito’y dahilan sa pagbaba ng presyo ng kanilang produkto. Sa totoo lang, sa ilang lugar sa bansa masasabing naduduhagi ang mga magsasaka sa pambabarat ng gitnang mamimili aning palay sa halagang Php12.10 bawat kilo. Malinaw na lugi o mababa ang presyo ng pagbili kumpara sa mga gastusin sa pagtatanim at pag-ani, di pa usapin ang oras sa paglilinang ng bukirin. Ganap na naduhagi o lugi ang magsasaka sa bentahan na ‘di nasilip ng kagawaran ng agrikultura, higit na ibigan ang pag-aangkat sa halip na tutukan ang pagpapataas ng produksyon.
Sa malaon ng pananaw, ‘di produktibo ang pag-aangkat ng bigas gayun batid ang lawak ng mga palayan na ‘di tila kinakaligtaan ng pamahalaan. Ang lawak ng mga sakahan sa gitna at hilagang Luzon ang sana’y ganap na inaayudahan upang maging produktibo ang mga sakahan. Sa kalagayan ng ‘di produktibo ang mga sakahan, mas ibig ng magsasaka na malayo ang mga anak sa pagsasaka at papunta o maglingkod sa mga opisina tulad ng mga call center. Ang mababang pananaw sa pagsasaka’y ganap na pagtalikod sa gawain na ikasisira sa ibig na palakasin ang sektor. Ang pagbibigay pansin sa mga ‘di pansakahang gawain ang larawan sa kawalan ng pagpapahalaga ng pamahalaan sa banggit na sektor. Gayun sa papel at pagsasalita, silip ang papuri ngunit ganap na ‘di makita ang pagpapahalaga sa sektor na silip na higit na mainam ang pag-angkat ng produktong banggit.
Sa pag-aaral, ganap na lumolobo ang pagkakautang ng bansa sa ‘di tamang paglalaan ng pondo sa mga ‘di batid na mga programa. Ang masakit, ganap ang paglimot sa mga sektor na dapat tutukan ang zarzuela na nagpapataas sa pagkakautang ng bansa na sala sa pangkalahatan. Ang lumalaking pondo ng bayan (GAA) na pasanin ng bayan na itinatanim sa salang programa o walang programa ang pabigat na dapat ilaan sa mga sektor na naglalabas ng pangunahing pangangailangan ng bayan. Sa totoo lang, napakalaking halaga ang nawawala na pasanin ni Mang Juan kung sana’y inilaan sa programa na magbubunga sa pagbaba ng presyo ng bilihin na pasanin ng bayan.
Sala ang programa at sayang ang pondo sa ‘di matagalang programa ng ayuda na dapat itinuon sa pagpapatibay at pagpapalakas ng sektor na pagsasaka. Ang bilyon bilyong pera na ‘di batid kung saan ilalagay ang gamitin sa pagpapalakas ng sakahan at sa mga magsasaka. Ang paglayo sa mga anak ng mga magsasaka sa sakahan ang ‘di pansin ng pamahalaan sa dahilan ng sariling karanasan na mainam na nasa apat na sulok ng silid sa halip na nasa sakahan. Ang pagpapababa sa halaga ng produksyon ng mga magsasaka ‘di lang sa palay maging sa ibang agrikulturang produksyon ang ganap na nagpapalayo sa mga anak ng mga magsasaka na maghanap ng ibang hanapbuhay sa labas ng bukirin. Ang higit na pag-isipan ng pamahalaan.
Sa totoo lang, pakitang tao ang Php20/K na bigas at ganap na ‘pabigat sa bayan sa dahilan na paglobo ng pagkakautang ng pamahalaan na babayaran ni Mang Juan. Hindi inaayawan ang pag-ayuda sa halaga ng bigas, subalit higit na mainam na pag-isipan ang tamang hakbang na palakasin ang sektor ng agrikultura at balikan ang kaayusan ng bansa, ang malawak na sakahan ‘di lang sa palay maging sa ibang pananim. Ang suportahan ang mga magsasaka higit sa pagpapagaling ng sektor na ‘di magtutulak sa mga anak ng ibang kabuhayan sa labas ng bukirin. Ang malakas na sektor higit ang kabuhayan ang garantisadong magsisiguro sa tama at mababang presyo ng palay o bigas maging ang ibang produksyong pansakahan.
Panghuli, inilalapit sa pamahalaan higit na pag-isipan ang programa sa agrikultura kung saan nakilala ang bansa. Ang pagpapababa ng produksyon sa hanay ng magsasaka at pagtaas ng kita ang gawin sa mga susunod na panahon ng maranasan ng bansa ang mababang presyo ng bigas na ‘di pansamantala bagkus ito’y pangmatagalan. Huwag alisin sa isip, nagmula sa bansa ang kagalingan sa agrikultura at napapanahon na muling angkinin ang pangunguna sa pagpapalakas sa sektor ng agrikultura, nang magsasaka.
Maraming Salamat po!!!!