Advertisers

Advertisers

SINO SI SANDRO MARCOS?

0 25

Advertisers

KUNG napansin ninyo bihira kami magsulat tungkol sa pipitsugin at patapong mambabatas tulad ni pusa (iyong walang sabihin kundi “meow, meow”), o aso (iyong nakaloko ng bilyong piso dahil sa kanyang nanay na senadora), o tiyanak (iyong mukhang tiyanak na senador na walang pinaboran na tama at kakampi ng China). Wala kaming panahon sa kanila.

Hindi namin gaanong kilala si Kin. Ferdinand Alexander Marcos na mas kilala sa palayaw na Sandro. Anak siya ni BBM ainatawan siya ng unang distrito ng Ilocos Norte. Si Sandro rin ang kasalukuyang Majority Leader ng Kapulungan ng mga Kinatawan, o Camara de Representantes.

Bilang Majority leader, pinamumunuan ni Sandro ang makapangyarihang Rules Committee ng Kapulungan na nagtatakda kung ano ang tatalakayin sa plenaryo. Ang Rules Committee ang nagsisilbing traffic manager sa Kapulungan at tanging ang mga inaprubahang panukalang batas, resolusyon, at iba pang isyu ang puedeng talakayin sa Kapulungan.

Masigasig at masipag si Sandro a kanyang gawain bilang Majority Leader. May sariling kusang palo at hindi nagpapabaya sa mga tungkulin na iniatang sa kanyan ng Kapulungan. Agresibo siya at hindi nangimi ng pangunahan ang Kapulungan sa mga mahahalahang usapin na humaharap sa sambayanan.

Kamakailan, pinangunahan ni Sandro ang pagsasaayos ng mga panukalang batas na haharapin ng Kongreso sa buong taon. Bilang isa sa mga lider ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC), pinalawak sa inisyatiba ni Sandro ang 52 panukalang batas at isinama ang apat pa na maituturing a prayoridad. Kasama ang panukalang alisin ang travel tax.

“The LEDAC agreed to add four more measures to the agenda, bringing the total to 52. These are bills that respond to urgent and real concerns of the public,” ani Sandro na sumama kay Ispiker “Bojie” Dy III, at House Committee on Appropriations chair Mika Suansing sa pulong ng LEDAC kasama si BBM sa Malacañang.

Humarap rin si Senate President Tito Sotto, Senate Majority Leader Migz Zubiri at Sen. Win Gatchalian atnd Risa Hontiveros sa pulong. Kasama sa mga idinagdag na panukalang batas ang

House Bill 7443 na mismo si Sandro ang may-akda. Ang travel tax ang isa sa mga dahilan na mahina ang turismo ng bansa.

“This is not just a policy tweak—this is a pro-people measure that supports jobs, tourism, and family travel,” ani Sandro. “The data and public sentiment are clear. The travel tax now works against our economic goals.”

Maliban sa pag-alis sa travel tax, may tatlong panukalang batas ang isinama ng LEDAC sa mga prayoridad: Expanded Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC) and Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (CSAEM) Act of 2026; isang panukalang batas na supilin ang mga fake news at digital disinformation; at isang panukala na ibahin ang petsa ng halalan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

“These measures address threats that are already affecting our communities—from online abuse and disinformation to the need for stability in the Bangsamoro,” ani Sandro . “They deserve priority action.” Dagdag niya: “With its inclusion in the LEDAC agenda, we can move this forward in a more focused and coordinated way.”

Kasama sa 12 LEDAC panukala na aprubado at nasa pangatlong pagbasa ang mga sumusunod: ang EPIRA Law amendments na nagpapalakas sa Energy Regulatory Commission’s oversight and consumer protection powers; the waste-to-energy bill sa waste treatment technology; ang National Center for Geriatric Health; amendments sa Government Assistance to Students and Teachers in Private Education Act; Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) Act.

Kasama rin ang amendments sa National Building Code;, the Blue Economy Act, the National Reintegration Bil;, amendments sa Teachers Professionalization Act; pagpapalawig ng estate tax amnesty period; the Department of Water Resources bill, at amendments to the Bank Deposits Secrecy Law.

May nakabinbin pang 40 panukalang batas. Pero sinabi ni Sandro na bibigyang ng prayoridad ng Kapulungan ang mga panukalang batas sa grikultura, kalusugan, edukasyon, at social welfare. Pabibilisin ang committee deliberations at palalakasin ang koordinasyon upang maiwasan ang pagkaantala nila.