Advertisers
Pinulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga gobernador ng mga lalawigang sinalanta ng bagyong Basyang upang alamin ang sitwasyon sa kanilang mga lugar at ang pangangailangan sa relief at recovery.
Sa pulong kasama ang ilang miyembro ng gabinete, binigyang-diin ang maagang paglalabas ng pondo, pagpapabilis ng pamamahagi ng tulong, at agarang distribusyon ng binhi para sa mga magsasaka.
Tinalakay din ang financial assistance para sa mga apektadong pamilya at pagpapalakas ng river clearing operations upang maiwasan ang pagbaha.
Samantala, inatasan ng Pangulo ang mga ahensya na bawasan ang proseso at tiyaking mabilis na makakarating ang tulong sa mga komunidad. (Gilbert Perdez)