Advertisers
IPINAHAYAG ni Interior Secretary Jonvic Remulla na isasama na nila sa sasampahan ng kaso si Bureau of Fire Protection (BFP) director Jesus Fernandez kaugnay ng maanomalyang bentahan ng fire extinguisher.
Sa pulong balitaan, sinabi ni Remulla na sa susunod na linggo ay may 40 tauhan ng BFP ang kanilang kakasuhan at isasama ang kanilang pinaka-pinuno.
May isang libo pa umanong tauhan ng BFP ang nakatakdang kasuhan sa mga susunod na araw.
Ginawa ni Remulla ang pahayag matapos matuklasan na kahit may body camera na ang mga fire inspector ay nagpapatuloy parin ang bentahan ng mga fire extinguisher.
Aniya, mas nauuna pa ang mga nagbebenta ng fire extinguisher kaysa sa mga fire inspector.
Imposibleng di alam ni Fernandez ang systemic na bentahan ng mga fire extinguisher sa mga maliliit at katam-tamang laki ng mga establisyimento.
Ikinagalit din ni Remulla na maging ang kaniyang pa-mangkin sa Cavite na isang maliliit na negosyante ay hindi pinalampas ng modus.