Advertisers

Advertisers

Cellphone technician ikinalat ang sex video ng magdyowang estudyante

0 49

Advertisers

DINAKIP ng pulisya ang isang cellphone technician matapos nitong ipakalat ang explicit videos ng magdyo-wang Grade 11 students, mula sa pinaayos na cellphone sa kanya sa Agusan del Norte, ayon sa Philippine National Police–Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG).
Ayon kay PNP–Anti-Cybercrime Group director Brigadier General Wilson Asueta, kumalat ang explicit video ng dalawang menor de edad sa social media, sa kanilang paaralan at pati na rin sa barangay ilang araw lamang matapos ipagawa ang cellphone.
Matapos matanggap ang complaint, inimbestigahan ng Regional Anti-Cybercrime Unit 13 (RACU 13) ang insidente at tiniyak ang cybercrime warrant laban sa suspek.
Nakita ng RACU 13 digital forensic examiners ang intimate videos sa mobile phone ng suspek na paglabag sa Child S3xual Abuse or Exploitation Materials (CSAEM), kaya’t naaresto agad ang suspek.
“Huwag kayo basta magpa-repair ng inyong mga cellphone sa hindi n’yo kakilala or doon lang kayo sa mga reputable repair shop then, huwag n’yo iwanan ang cellphone kung kayo ay nagpapa-repair,” babala ni Asueta sa publiko.