Advertisers
HINDI lang tuwing Araw ng mga Puso nagiging interesado ang mga kalaban sa Winter Olympics sa libreng condom na ibinibigay sa tirahan ng mga atleta.
Kinumpirma ng International Olympic Committee noong Sabado na 10,000 condom ang nauubos na ng mga atleta sa Milan-Cortina Games, na nagsimula noong Pebrero 6.
“10,000 have been used, for 2,800 athletes. Go figure, as they say,” Wika ni IOC spokesperson Mark Adams na may ngiti sa daily media briefing.
Si Mialitiana Clerc, isang 24-anyos na alpine skier mula sa Madagascar, ay nagsabi na nakita niyang mabilis na nauubos ang mga libreng condom sa nakaraang Winter Olympics, sa Beijing apat na taon na ang nakalipas.
“I am not so shocked because I know that at the Winter Olympic Games there are a lot of people using condoms because I saw it in Beijing already,” anya.
Matagal nang kilala ang mga Olympic Athletes’ Villages bilang sentro ng mga sekswal na pakikipag-ugnayan sa pagitan ng mga kompetitor na puno ng testosterone.