Advertisers
Tatlong taga-Kapalong ang sumikat na mga basketbolista. Ito ay ayon mismo sa alkalde ng bayang may 75 km ang layo sa siyudad ng Davao.
“Sila sina Dave Supnet, Romy Ang at Dodong Postanes,” kwento sa atin ni Mayor Edgar Timbol, ang matagal ng tumatayong ama ng Kapalong.
Si Supnet nag-aral sa San Sebastian College at naglaro sa Tanduay. Si Ang kasabayan ni Samboy Lim sa Letran tapos napunta sa Shell habang si Postanes produkto ng FEU at na-draft ng San Miguel Beer.
Ang Kapalong ay isang first-class na munisipalidad ng Davao del Norte. May 14 itong barangay at mga 80,000 na mga residente.
Kilala ang bayang ito sa kanilang Suaon Nature Park at iba pang mga underground na kweba.
Pangunahing produkto nila ang saging, coconut at cacao.
Maraming salamat batchmate Tonyboy Dulay sa mainit na pagtanggap at pagpasyal sa amin sa inyong town.
***
Kay Luka Doncic na NBA jersey ang pinakamabili sa Pilipinas ngayon samantala ang kakampi niyang si LeBron James ay pang- apat.
Numero dos si Victor Wenbanyama at pangatlo si Anthony Edwards. Si Steph Curry na No. 1 sa sa over-all na tala ng NBA Store ay panglima naman.
Ibig sabihin ang LA Lakers ang pinakasikat na koponan sa liga dahil dalawa sa kanilang player nasa Top 5.
Narito ang pang-anim hanggang pangsampu.
6 si Ja Morant, 7 si Nikola Jokic, 8 si Jayson Tatum, 9 si Jalen Bronson at 10 si Kyrie Irving.
***
Sinusubukan kuhanin ng ilang team sa PBA ang mga legit na NBA veteran na sina Dwight Howard at Bol Bol para sa susunod na PBA Conference.
Malapit na diumano magkasundo ang TNT at ang kampo ng 7’3 na si Bol.
Kinukunbinsi naman ng guest team na Macau na maglaro sa kanila ang kontrobersyal na si Dwight Howard.
Pag nagkataon ay makakadagdag din ng excitement ang mga nabanggit na mga higante.
Si Pepeng Kirat manonood na raw muli ng PBA.
***
Sunod-sunod na nagretiro ang matitinik na point guard sa NBA.
2023 ay si Rajon Rando, 2024 Derrick Rose, 2025 ay si John Wall at nitong 2026 ay si Chris Paul.
Tapos na ang isang era.