Advertisers
BAGO ang lahat, mainit at maingay munang pagbati ng HAPPY BIRTHDAY sa aking “kapatid” at matalik na kaibigan ng lahat na si Benny Antiporda, sa kanyang kaarawan kahapon. Mabuhay ka hanggang gusto mo, Brod!
At siyempre, CONGRATULATIONS din sa kanyang anak na si Bea na nagtapos na pala ng Kolehiyo—at ‘Magna Cum Laude’ lang naman, naks! Wala na tayong masasabi kundi… ‘Mabuti na lang, “nagmana” sa ina, hehehe! Matalino ka talaga, Mareng Toby, congrats!
Pagbati rin siyempre sa aming mahal na Ina, si Liway Gutierrez, sa kanyang kaarawan bukas. Nawa’y patuloy tayong gabayan at pagpalain ng Maykapal sa kabila ng mga patuloy na pagsubok.
***
Sa selebrasyon ng ika-124 anibersaryo ng Bureau of Customs (BOC) noong isang linggo, napansin natin na “saglit” nawala ang “ngiti” ni Commissioner Ariel Nepomuceno sa inilabas na “hamon” ni Finance Secretary Frederick Go.
Ang hamon at paniwala kasi ni Secretary Go, “Now Na” makukuha ng Aduana ang ‘historic collection target’ na P1 trilyon—sa termino ni Comm. Ariel at sa ilalim siyempre ng administrasyon ni PBBM.
Pagdating sa trabaho, alam nating palaging seryoso si Comm. Ariel at natitiyak natin na kahit “pabiro” ang dating ng tinuran ni Secretary Go, alam din ni Commissioner Ariel na isa itong “hamon” sa kanyang liderato.
Sabagay nga, ilang taon na nating naririnig sa mga opisyal ng Aduana na “kaya” nilang makolekta ang P1 trilyong buwis pero, wala rin, hehehe.
Sa atin pa ngang pagkaalam, dalawang beses nang binago ang ‘target collection’ ng Customs sa mga nagdaang taon mula sa orihinal na P1 trilyon na ibinaba sa higit lang na P900 bilyon dahil na rin sa katotohanan na hindi kayang ‘mag-deliver’ sa kanilang pagyayabang, err, pagbibida, ang dating nakaupong Customs commissioner.
Subalit, marami nang “pruweba” at “resibo” sa kanyang kakayahan at abilidad si Commissioner Ariel kaya kasama tayo sa naniniwala na sa kanyang termino, magiging totoo ang dati ay pangarap lang—makakolekta ng P1 trilyon na buwis ang Aduana.
Abangan!