Advertisers

Advertisers

Sandiganbayan, nagpasok ng not guilty plea para sa kasong malversation ni ex-Sen. Bong Revilla

0 16

Advertisers

NAGPASOK ng ‘not guilty’ plea ang Sandiganbayan Third Division para kay dating Senador Bong Revilla, Jr. sa kasong ‘malversation’ kaugnay ng P92.8 milyong ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.

Kasunod ito ng pagtanggi ni Revilla na maghain ng plea sa kanyang arraignment, kaya ang anti-graft court na ang awtomatikong naglagay ng ‘not guilty’ plea para sa kanya nitong Lunes, Pebrero 16.

Nagpasok din ng not guilty plea ang kanyang kapwa akusado na si DPWH-Bulacan First District Office Accountant Juanito Mendoza, habang nauna na sina Brice Hernandez, Jaypee Mendoza, Arjay Domasig, Emelita Juat, at Christina Pineda.



Matatandaan na noong Pebrero 9, tumanggi rin si Revilla na magbigay ng plea sa kasong ‘graft’ sa Sandiganbayan Fourth Division kaugnay parin ng nasabing proyekto, kungsaan ang naturang korte rin ang nagpasok ng ‘not guilty’ plea para sa kanya.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">