Advertisers
PINASIKLAB nina Anthony Edwards at Tyrese Maxey ang USA Stars laban sa USA Stripes na 47-21 Linggo ng gabi sa finals ng 5th NBA All-Star Game tournament.
Si Maxey ay nakapuntos ng siyam habang si Edwards at si Chet Holmgren ay nagdagdag ng tig-walo bawat isa habang ang mga batang talento ng Stars ay nilupig ang mga beteranong US Stripes sa laro ng kampeonato sa Intuit Dome, tahanan ng Los Angeles Clippers.
“We chose to compete today and we came out on top,” Wika ni Edwards,ang Minnesota Timberwolves guard na nagwagi ng NBA All-Star Game Most Valuable Player award.
Nagsimula ang Stars sa final ng may 12-1 na run, na pinalakas ng pitong puntos mula kay Maxey, habang na-miss ng Stripes ang kanilang unang 10 tira.
Si Donovan Mitchell ay nagkaroon ng anim na puntos at si LeBron James, ang all-time scoring leader ng NBA at All-Star sa rekord na ika-22 na pagkakataon, ay nagdagdag ng lima para sa Stripes sa final.
Pinangunahan ng Pranses na si Victor Wembanyama ang Mundo gamit ang 19 puntos.
Kumamada ng 11 puntos si Aylen Brown at nagdagdag ng walo si James upang pamunuan ang Stripes habang nanguna sina Edwards at Cade Cunningham sa Stars na may tig-11 puntos bawat isa.