Advertisers

Advertisers

Chop-chop na katawan ng tao sa loob ng drum

0 61

Advertisers

UMAALINGASAW na sa loob ng malaking drum ng tubig ang chop-chop na katawan ng isang lalaki sa Binondo, Maynila.
Nadiskubre ang karumal-dumal na sinapit ng biktima sa Delpan Sports Complex sa Mel Lopez Boulevard nang buksan ng ilang residente ang loob ng nasabing drum.
Sa inisyal na imbestiga-syon ng mga awtoridad, ilang residente ang nakapansin sa pagtigil ng isang L300 na sasakyan sa nasabing sports complex.
Ilang tao raw ang bumaba mula rito at nagtawag ng ilang residente.
Ayon sa ilang saksi, inutusan sila ng mga sakay ng L300 na itapon ang drum na kanilang sakay, kapalit ng P300.
Nang siyasatin ng ilang re-sidente ang laman ng drum, tumambad sa kanila ang iba’t- ibang bahagi ng katawan ng biktima.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima at matugis ang nasa likod ng karmal-dumal na krimen. (Jocelyn Domenden)