Advertisers
LIMANG senador ng Republika ng Pilipinas ang nanganganib humimas ng rehas dahil sa mga kinakaharap na kasong kriminal.
Ito’y sina Jinggoy Estrada, Joel Villanueva at Chiz Escudero na nahaharap sa Plunder case matapos ikanta ng mga dating engineer ng public works na nanghingi ng malaking kickback sa kanilang mga ibinabang pondo sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa flood control projects na nabunyag na ‘di nagawa pero nasingil sa gobierno, at sina Bong Go at Ronald “Bato” Dela Rosa na dineklara ng International Cri,inal Court na co-perpetrators ni ex-President Rody Duterte sa kasong ‘Crimes against humanity’ kaugnay ng mga brutal na patayan sa nakalipas na administrasyon.
Kapag nawala ang limang ito, 19 senador nalang ang maiiwan sa 24 bilang ng mga mambabatas sa mataas na kapulungan.
Ang 19 ay sina magkapatid na Mark at Camille Villar, magkapatid na Alan at Pia Cayetano, magkapatid na Raffy at Erwin Tulfo, Risa Hontiveros, Win Gatchalian, Lito Lapid, Robin Padilla, Migz Zubiri, Bam Aquino, JV Ejercito, Ping Lacson, Tito Sotto, Loren Legarda, Rodante Marcoleta, Imee Marcos at Kiko Pangilinan.
Pito nalang sa mga ito ang DDS. Kaya delikado si Vice President Sara Duterte-Carpio kapag umakyat sa Senate Impeachment Court ang mga impeachment complaint laban sa kanya. Araguy!!!
***
Umani ng atensyon online ang si Atty. Jesus Falcis nang batikusin niya si Navotas Representative “Toby” Tiangco, na inaakusahan niyang nagpapanggap ngayon bilang anti-corruption crusader.
Sa isang Facebook post, iginiit ni Falcis na bahagi si Tiangco ng ‘super majority’ coalition noong nakaraang administrasyon at naging tahimik sa mga kontrobersiya gaya ng drug war, ABS-CBN shutdown, mga gawa-gawang kaso laban sa mga kritiko, at ang isyu ng Pharmally. Mismo!
Para sa abogado, kaduda-duda ang biglaang pag-ingay sa isyu ng korapsyon kung wala naman itong malinaw na rekord ng pagtutol noon. Oo nga!!!
Hindi rin pinalagpas ni Falcis ang kuwento ni Tiangco tungkol sa pagsaway sa ilang opisyal sa isyu ng katiwalian, at tinanong kung bakit hindi ito ibinunyag sa publiko noong nangyari pa lamang. Aniya, tila nag-iingay lang ang kongresista para makuha ang atensyon at posibleng maghangad ng mas mataas na posisyon sa Kongreso sa 2028.
Sa gitna ng palitan, lalong umiinit ang diskusyon online: tunay bang laban kontra korapsyon o isa na namang political rebranding ang ginagawa ni Tiangco? Say n’yo, mga pare’t mare?
***
Belated happy happy birthday sa aking kumpareng ex-Usec. Benny Antiporda. Wishing you more b’days to come, pare ko. Stay humble at mamuhay ng simple. God bless you and your family… Love you, parekoy…