Advertisers
INIULAT ng Bureau of Immigration-Intelligence Division (BI-ID) ang pagkakadakip nito sa apat na banyaga, alinsunod sa atas ni President Ferdinand R. Marcos, Jr.’s na palakasin ang immigration enforcement sa bansa.
Ayon sa ulat ni BI Intelligence Division Chief Fortunato Manahan, Jr., isang South African national ang kanilang dinakip noong February 12 sa Camp Fort Magsaysay sa Nueva Ecija sa paglabag ng mga kondisyo ng working visa.
Nagtatrabaho umano si Faaiz Ameer Garnie, 32, sa kumpanya na hindi galing sa kanyang petitioning employer, na paglabag sa kanyang 9G working visa.
Sinabi ni Manahan na sa pakikipagtulungan sa BI regional intelligence operating unit (RIOU) 3 at Military Police of Camp Fort Magsaysay, nadakip si Garnie kung saan siya nagta-trabaho bilang project manager at di nakapagprisinta ng passport o immigration documents.
Sa parehong operasyon ay nadakip din anug isa pang banyaga na si Imran Khattak na nagta-trabaho din bilang operations specialist nang walang valid working visa.
Nitong February 13 ay nadakip naman ng BI Intelligence Division operatives ang dalawang Chinese nationals sa Iloilo dahil sa pagiging overstaying. Sila ay sina Wang Jiabai, alyas Kevin Wang, 43 at Wang Libi, alyas Lisa, 46.
Si Wang Jiabai ay may business establishment umano sa Balasan nang walang valid visa extension samantalang si Wang Libi ay nagta-trabaho sa kumpanya na iba sa petitioning employer niya at di rin nakapagpakita ng valid passport o immigration documents.
Both were informed of their constitutional rights and were brought to the appropriate authorities for booking and documentation before being transported to Manila. They are currently under the custody of the BI Warden Facility pending deportation proceedings,” ani Manahan. (JERRY S. TAN/ JOJO SADIWA)