Advertisers

Advertisers

3 DEPED OFFICIALS SINUSPINDE SA ‘GHOST’ SCHOOL BUILDING

0 17

Advertisers

KINUMPIRMA ng Department of Education (DepEd) Davao Region na tatlong opisyal nito sa Davao del Norte ang preventively suspended dahil sa imbestigasyon sa ‘di pagtapos o partial implementation ng dalawang school building projects sa Talaingod.
Ayon kay Jenielito “Dodong” Atillo, DepEd Davao spokesperson, ang audit ng Commission on Audit noong Nobyembre 13, 2025 ay nagtukoy na ang proyekto sa Camingawan Elementary School ay hindi naisakatu-paran, at ang proyekto sa Durian Integrated School ay bahagyang natapos lamang.
Ang dalawang proyekto ay nagkakahalaga ng P36.36 milyon at bahagi ng “Last Mile” School Program, kabilang ang dalawang classrooms, toilet, solar panel, at water system.
Pinapaliwanag ng imbestigasyon kung bakit nabayaran ang kontraktor kahit hindi pa natapos ang proyekto, at sino ang responsable sa mga papeles.
Hinikayat ni Atillo ang publiko na huwag husgahan ang mga opisyal habang nagpapatuloy ang imbestigasyon, sapagkat sila ay inosente hangga’t hindi napatunayan ang kasalanan.