Advertisers

Advertisers

Manila RTC ‘di na pinalalabas ng bansa sina Jinggoy, Bonoan, atbp.

0 10

Advertisers

INATASAN ng Manila Regional Court Branch 52 ang Bureau of Immigration (BI) na huwag nang pahintulutan makalabas pa ng bansa ang mga respondent sa ‘plunder case’, na may kinalaman sa maanomalyang mga proyekto ng flood control.

Sa dokumentong ibinahagi ng Department of Justice, nakasaad sa kautusan ng korte nitong ika-10 ng Pebrero ng taon na pigilan nang makaalis ng Pilipinas ang mga ito.

Ipinalalagay o ipinasasama narin sila sa ‘Hold Departure List’ ng nabanggit na opisina batay sa inilabas na kautusan inisyu ng presiding judge na si Juan G. Rañola, Jr.



Tinukoy sa mga hindi pinaalis ng bansa ay partikular sina Senador Jinggoy Estrada, dating DPWH Sec. Manuel Bonoan, ex-DPWH Usec. Roberto Bernardo, ex-DPWH engineers Gerard Opulencia at Henry Alcantara.

Ayon kay Department of Justice Spokesperson, Atty. Polo Martinez, ang pag-iisyu ng ‘precautionary hold departure order’ ay kasunod nang makakita ang korte ng ‘probable cause’ o posibleng dahilan para paniwalaang ang mga respondent ay maaring tumakas para hindi maaresto.



Nitong Lunes lamang ay isinagawa ang preliminary investigation kaugnay sa reklamong plunder na kinakaharap ng mga nabanggit na respondents. Humarap dito ang dating kalihim ng Department of Public Works and Highways na si Bonoan.

Ayon kay Bonoan, nagsumite siya ng counter-affidavits ukol sa reklamong plunder na isinampa laban sa kanya ng National Bureau of Investigation – Department of Justice Public Works and Bid Rigging Task Force.



Samamantala, ang Bureau of Immigration nama’y kinumpirmang natanggap na ang kautusan ng korte mapigilan ang pag-alis ng mga respondent.

Sa mensahe ni Immigration spokesperson Dana Sandoval, kanyang sinabi na nailagay na ang ‘precautionary hold departure order’ sa centralized database ng kawanihan.