Advertisers

Advertisers

VisMin susuyurin ng NBI para hanapin si Atong

0 9

Advertisers

TIWALA ang National Bureau of Investigation (NBI) na mahahanap at maaaresto nila dito sa Pilipinas ang gambling tycoon na si Charlie “Atong” Ang.
Ayon sa NBI, may iba pang lead na sinusundan ang ahensya para mahanap ang ‘number 1 most wanted person’ na Ang.
Sinimulan narin ng NBI na salakayin ang ilang lugar sa Visayas at Mindanao, batay sa kanilang natatanggap na mga impormasyon.
Pero hindi muna idinetalye ng NBI ang kanilang isinasagawang operasyon.
Nabatid na sa huling operasyon ng NBI sa Metro Manila, bigong makita si Ang sa dalawang bahay sa isang exclusive subdivisions sa Makati City na tirahan ng mga anak ng negosyante.