Advertisers
ITINAKDA ng Sandiganbayan Sixth Division ang pagsisimula ng trial laban sa dating kongresistang si Zaldy Co at iba pang akusado sa P289 milyon na anomalous flood control project sa Naujan, Oriental Mindoro ng Marso 3 at 5 ng taon.
Magpapatuloy ang pagdinig tuwing Martes at Huwebes, 8:30 ng maga.
Si Co ay nasa abroad mula Hulyo 2025 at naghain ng petisyon sa Supreme Court laban sa kanyang indictment, ngunit hindi pa naglabas ang SC ng temporary restraining order.
Ang kanyang co-accused mula sa DPWH Region IV-B ay sina Gerald Pacanan, Gene Ryan Altea, Ruben Santos, Jr., Dominic Serrano, Felisardo Casuno, Lerma Cayco, Juliet Calvo, Dennis Abagon, at Montrexis Tamayo, na lahat ay nag-plead ng “not guilty”.
Ang mga babae ay nakakulong sa Camp Karingal, habang ang mga lalaki sa Payatas New Jail sa Quezon City.
Sa mga preliminary hearing, sinabi nina Oriental Mindoro Governor Humerlito Dolor at COA auditor Raymundo Manalo na ang mga sheet pile sa proyekto ay substandard, 3 metro lamang sa halip na 12 metro ayon sa kontrata.