Advertisers

Advertisers

2 prov’l directors, 6 pa sinibak sa pagkamatay ng PUPC

0 38

Advertisers

INALIS sa puwesto ang dalawang provincial directors at 6 pa iba kaugnay ng pagkamatay ng isang Person Under PNP Custody (PUPC) nang mabaril ng kanyang mga escort na pulis nang tangkain umanong tumakas nito sa Del Gallego, Camarines Sur noong Feb 6, 2026.

Ayon kay Brigadier General Randulf Tuano, PNP spokesperson, inalis na puwesto ang Provincial Director ng Camarines Sur, Provincial Director ng Catanduanes, Chief of Police ng Del Gallego Police Station, Chief Investigation ng Del Gallego, Regional Investigation and Detective Management Division ng Del Gallego Police Station, Chief of Police ng Del Gallego Police Station, Chief of Police ng San Miguel Police Station, Chief Warrant Section ng San Miguel Police Station, at Investigator on Case Del Gallego Police Station.

Sinabi ni Tuano na ang mga nasabing opisyal ay inalis sa puwesto habang isinasagawa ang pre-charge hinggil sa kasong neglect of duty at delayed reporting kaugnay ng nasabing insidente.



Aniya, pansamantalang itinalaga ang mga nasabing opisyal sa Personnel and Record Management Regional Police Office 5 habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Isinaad ni Tuano na pansamantalang itinalaga ang kanilang deputies bilang officer-in-charge.
Sinampahan ang 4 pulis ng kasong homicide at nasa ilalim ng kostudya ng PNP.(Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">