Advertisers

Advertisers

BABY INILIBING NG BUHAY SA MAISAN!

0 61

Advertisers

KARUMAL-DUMAL na kamatayan ang sinapit ng bagong silang na sanggol nang ilibing ito ng buhay sa maisan sa Bayambang, Pangasinan.
Ayon sa mga awtoridad, napansin ng may-ari ng lupa ang mga bakas ng dugo sa maisan kaya agad nitong inalerto ang mga opisyal ng barangay noong Pebrero 17.
Sa paghahalughog ng lugar, natagpuan ang isang itim na plastik na nakabaon malapit sa isang puno ng mangga.
Nang buksan ang plastik, tumambad ang isang bagong silang na sanggol na buhay pa, nguni’t nasa kritikal nang kondisyon.
Agad isinugod ang “anghel” sa Bayambang District Hospital pero kalauna’y idineklarang patay dahil sa cardiorespiratory arrest.
Kinilala ng pulisya ang isang 32-anyos na babaeng may asawa, isang lady guard at residente ng lugar, bilang ina ng sanggol at nahaharap ngayon sa kasong infanticide.