Advertisers

Advertisers

P4.6m krudo nasamsam sa sinalakay na ‘paihi’; 5 timbog

0 51

Advertisers

HULI sa akto ang limang katao habang nagsasalin ng mga ninanakaw na produktong petrolyo mula sa isang Tanker Lowry Truck patungo mga plastic containers sa isinagawang joint anti-smuggling operation ng mga awtoridad ng Regional Intelligence Division/Regional Special Operations Unit, Batangas Police Provincial Office, at Batangas Component City Police Station, dahil sa paglabag sa Presidential Decree 1865 o Oil Pilferage Law, nuon madaling araw ng Huwebes February 19, 2026, sa Barangay Banaba Center, Batangas City.
Kabilang sa mga naaresto, ang dalawang tanker truck driver, isang pahinante at dalawang caretaker sa kuta ng iligal na operasyon sa nasabing lugar.
Nasamsam sa lugar ang 21 IBC plastic container na may laman na gasolina at diesel, 65 empty plastic containers, isang Sino Tank Truck na may plakang NIL 3970 may kargang 30,000 litro ng methanol, isang Lowry fuel tanker truck na may plakang NIP 9629 may laman 16,000 litters ng gasolina at 4,000 litters ng diesel, at tatlong generator pump na ginagamit umano sa paglilipat ng mga produktong petrolyo na may kabuoang halagang P4,633,400.00.
Kasalukuyang nasa kustudiya na ngayon ng Batangas City Police Station ang mga nahuling suspek habang inihahanda ang kaukolang kasong isasampa sa kanila sa korte.(Koi Laura)