Advertisers

Advertisers

KOREANONG MAYROONG WARRANT OF ARREST, NAHULI SA CLARK AIRPORT

0 72

Advertisers

ISANG 33 taong gulang na South Korean national ang inaresto ng PNP-Aviation Security Group dahil sa standing warrant of arrest para sa kasong Violence Againts Women and their Children Act o VAWC

Ang pasaherong koreano ay naharang sa pamamagitan ng mahigpit na koordinasyon sa Bureau of Immigration pagdating noong Pebrero 19,2026 sa Clark International Airport (CIA) at kalaunan ay dinala sa himpilan ng pulisya para sa wastong disposisyon na may piyansang itinakda sa halagang Php36,000.00.

Sa kabila ng pahayag ng pasahero na naayos na ang kaso, kinumpirma ng beripikasyon sa pamamagitan ng e-Warrant System na ang warrant of arrest ay nanatili umanong nakabinbin.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Siya ngayon ay nasa CIA Police Station ng Aviation Security 3 para sa dokumentasyon at karagdagang legal na aksyon.

Sa pahayag ni PNP- AvSeGroup Director PBGen Dionisio B Bartolome Jrr, patuloy ang operasyon ng kapulisan para sa mga Wanted Person at katuwang ang iba pang ahensya ng pamahalaan, upang tiyakin na ang bawat indibidwal na may pananagutan sa batas ay maaresto at papanagutin. (JOJO SADIWA)