Advertisers
PINALAWAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Local Government Support Fund (LGSF) upang mas palakasin ang ayuda sa bigas, serbisyong pangkalusugan, disaster preparedness, at mahahalagang imprastraktura tulad ng enerhiya at suplay ng tubig.
Sa paglulunsad ng “Sa Bagong Pilipinas, Bawat Bayan Makikinabang” sa Malacañan, tiniyak ng Pangulo na bawat pondo ng bayan ay direktang mapapakinabangan ng mga Pilipino.
Mula sa halos P58 bilyong pondo para sa 2026, target mabigyan ng tig-60 kilo ng bigas ang mahigit limang milyong pamilya upang mapatatag ang seguridad sa pagkain.
Saklaw din ng pinalawak na LGSF ang pagtatayo at pagpapahusay ng mga ospital, health stations, at pagbili ng kagamitang medikal para sa mas abot-kayang serbisyong medi-kal.
Paiigtingin din ang kahandaan sa sakuna sa pamamagitan ng pagpapatayo ng mga multi-purpose hall at pasilidad na maaaring magsilbing evacuation centers. (Gilbert Perdez)