Advertisers

Advertisers

Torre ‘di nagsisisi sa pagkakaaresto kay ex-PDu30

0 8

Advertisers

WALANG pagsisisi si dating Philippine National Police Chief Gen. Nicolas Torre III at ngayo’y general manager ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pagkakaaresto ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at sa pagdadala rito sa The Hague.

Iginiit ni Torre na sumusunod lamang siya sa kanyang trabaho at walang personal na motibo sa operasyon.

Si Duterte ay inaresto noong Marso 2025 sa ilalim ng arrest warrant na inisyu ng International Criminal Court (ICC).
Nitong Lunes, Pebrero 23, ay isinagawa ang confirmation of charges hearing ng Pre-Trial Chamber kaugnay sa kaso ni Duterte.



Sumagot naman si Torre sa posibilidad ng paghahain ng reklamo laban sa kanya ng ilang kritiko.

Sa kabila ng mga batikos mula sa mga tagasuporta ng dating pangulo, nanindigan si Torre na ang kanyang aksyon ay “call of duty” at hindi personal na laban. Kasabay nito, nagsagawa ng mga kilos-protesta ang ilang grupo sa labas ng ICC bilang suporta sa mga biktima ng drug war.



Ayon sa mga human rights advocates, ang pag-usad ng kaso ay mahalagang hakbang para sa hustisya ng mga pamilya ng mga biktima.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">