Advertisers
Ni Anne Venancio
Nilinaw ng aktres na si Ellen Adarna ang mga ulat na diumano’y “good provider” ang estranged husband niyang si Derek Ramsay para sa kanilang anak na si Liana o “Lili.”
Sa kanyang Instagram Stories noong Pebrero 20, iginiit ni Adarna na hindi tama ang ulat ni Cristy Fermin na sapat ang ibinibigay ni Ramsay at naglaan pa ng kasambahay para sa bata. Ayon sa aktres, siya mismo ang sumasagot sa malaking bahagi ng buwanang gastusin ng anak, kabilang ang pasahod sa mga nanny at iba pang pangangailangan sa bahay.
Aniya, kamakailan lamang ay nagbigay si Ramsay ng credit card na may P50,000 buwanang limit. “Last month I told his assistant, ‘No sustento, no Lili. That’s simple,’” wika ni Adarna.
Nilinaw din ng aktres ang diperensya sa hinihingi niyang sustento para sa panganay niyang anak na si Elias mula sa dating kasintahan niyang si John Lloyd Cruz. Paliwanag niya, P10,000 lang noon ang hinihingi dahil bata pa si Elias at halos lahat ng gastusin sa bahay ay sakop ng kumpanya kung saan siya naninirahan sa Cebu. “Si Elias noon ay toddler pa at hindi pa nag-aaral… kaya sa tingin ko, fair na iyon. Hindi rin ako humingi ng ?20,000, ?10,000 lang, pero gusto ni John Lloyd na doblehin,” dagdag niya.
Samantala, ayon sa mga ulat, ayaw nang patulan ni Ramsay ang mga pahayag ni Adarna tungkol sa sustento.