Advertisers
INAMIN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na red tape at burukrasya ang ilan sa dahilan ng pagkaantala ng mga serbisyo at transaksyon sa gobyerno.
Sa ASEAN Editors and Economic Opinion Leaders Forum, binanggit din niya ang presensya ng mga fixer na umano’y kasabwat pa ng ilang tiwaling kawani.
Bilang solusyon, itinutulak ng Pangulo ang digitalization upang mapabilis ang proseso at tulu-yang maiwasan ang korapsyon.
Aniya, kapag naging fully digital ang sistema, mababawasan ang pisikal na kontak at masisiguro ang mas malinis at episyenteng serbisyo.
Target ni Pangulong Marcos na bago matapos ang kanyang termino sa 2028, ay maging ganap na digitalized ang ilang ahensiya—at umaasang maipagpapatuloy ito ng susunod na administrasyon. (Gilbert Perdez)