Advertisers

Advertisers

2 opisyal ng LTO pinasisibak sa P8m kotong

0 12

Advertisers

LABIS na ikinagalit ni Transportation Secretary Giovanni Lopez ang sumingaw na katiwalian hinggil sa hindi awtorisadong koleksyon sa loob ng Land Transportation Office (LTO) sa Central Visayas makaraan itong bumisita sa Cebu.
Nabatid sa source na ang komprontasyon, kinasangkutan ng dalawang matataas na opisyal ng LTO-7 at naganap Pebrero 20 habang nasa rehiyon si Lopez upang siyasatin ang paghahanda ng pamahalaan sa Mactan-Cebu International Airport para sa 2026 ASEAN Summit.
Sinabi pa sa source, sinabihan si Lopez tungkol sa umano’y P8-million monthly collection scheme na ginagawa sa rehiyon.
Ayon pa sa source, ang mga opisyal na sangkot ay sinasabi at ginagawang dahilan ang mga pangalan ng central office ng Department of Transportation at isang undersecretary, na sinasabing ang pondo ay inilaan para sa kanila.
“Si Sec. Lopez, halatang galit,” sabi ng source. “Sinabi sa kanya na ang LTO-7 ay diumano’y nangongolekta ng P8 milyon kada buwan, at sinasabi ang mga pangalan ng mga opisyal mula sa central office.”
Dagdag pa ng source, direktang hinarap ni Lopez ang da-lawang opisyal. Hiniling niya na tukuyin nila ang sinumang superior na nag-utos sa kanila na gumawa ng mga naturang koleksyon.
“Sinabi niya sa kanila na sisiguraduhin niyang matatanggal sila sa kanilang mga post kahit na maubos ang trabaho niya,” sabi ng source.
Kasunod ng insidente, huminto ang sinasabing monthly collection sa Central Visayas.
Ito ay nananatiling hindi sigurado kung ang mga awtoridad ay magpapatuloy ng isang pormal na imbestiga-syon sa insidente.(Boy Celario)