Advertisers
PINAALALAHANAN ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pilipino na iwasang maglagay ng hindi awtorisadong stamps o markings sa kanilang Philippine ePassports.
Ayon sa DFA, magiging imbalido ang ePassport kapag na-tamper ito.
Nagbabala rin ang DFA na ito ay may katapat na parusa sa ilalim ng batas ng Pilipinas.
Lumabas ang babala matapos mag-viral ang social media post ng isang Filipina travel blogger na nagsabing na-invalid ang kanyang passport matapos maglagay ng souvenir stamps mula sa mga bansang kanyang binisita, kabilang ang Chile, Peru, at Ecuador.
Nagpaalala rin ang DFA na ang paglalagay ng stamps sa ePassport ay dapat ipinauubaya sa mga awtorisadong opisyal.
Ito ay dahil ang Philippine ePassport ay pag-aari ng pamahalaan ng Pilipinas.
“The Philippine ePassport is the property of the Republic of the Philippines and any alteration, addition, or destruction of its contents is strictly prohibited,” ayon pa sa DFA.