Advertisers

Advertisers

Kalbaryo ng mga pasahero sa bus terminals, tutuldukan na ng LTFRB

0 13

Advertisers

Ordinaryong araw man o piyesta opisyal (holiday) kapansin-pansin na tila’y tinototyur ng nakararaming bus terminal ang kanilang mga pasahero (komyuter) na bumubuhay sa kanilang negosyo.

Tinotortyur / pinahihirapan? Tinutukoy natin ang kakulangan o kawalan ng sapat na pasilidad ng mga bus terminal para protektahan at bigyan ng sapat na kasiyahan ang kanilang mga pasahero pero ano ang nangyayari sa ilan o nakararaming bus terminal? Bigo silang ibigay ito kung saan ay nakapokus na lamang sila sa kikitain sa mga pasahero.

Ang ganitong estilo ay mahaba-habang panahon nang tinitiis ng mga komyuter – nagiging “normal” na kung baga – ang magtiis sa init ng araw dahil sa kawalan ng bubong ang terminal; magtiis sa mabahong banyo na walang tubig; at magtiis sa kaba dahil sa kawalan ng seguridad.

Ngayon may good news tayo diyan – ang lahat ng pagtitiis ng libo-libo o milyong pasahero ay tutuldukan na ni Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) Chairperson Atty. Vigort D Mendoza II, bilang katugunan sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. Oo, wawakasan na ni Chairperson ang mga araw na pagtitiis ng mga komyuter.

Katunayan, sinimulan na ng LTFRB na wakasan na ang pagpapahirap sa mga pasahero – ito ay nang ipatawag ni Atty. Mendoza ang mga opereytor ng sampung terminal sa Pangasinan at La Union.

Ang hakbangin ni Atty. Mendoza ay may hatid na malinaw na mensahe: Ang serbisyo publiko ay hindi lamang tungkol sa pagbibiyahe o paghahatid ng tao mula terminal hanggang sa destinasyon nito at sa halip ito ay patungkol sa dignidad.

Ani Atty. mendoza, hindi isang luho sa mga pasahero ang pagkakaroon ng maayos na upuan, gumaganang malinis na banyo, at CCTV – sa halip ang mga nabanggit ay mga batayang karapatan ng bawat pasahero na nagbabayad ng tamang pamasahe.

Nakalulungkot ngang isipin na maraming bahagi ng bansa, ang mga terminal ay mukhang “loading dock” lamang ng kargamento sa halip na lugar para sa tao. Ang may mga ganitong paglabag ay natuklasang Rehiyon 1 — ang kawalan ng pasilidad para sa mga senior citizen at PWD. Ito ay patunay na maraming operator ang nakakalimot sa kanilang obligasyong panlipunan. Batid naman siguro ng mga opereytor na ang prangkisa ay isang pribilehiyo, hindi isang lisensya para magpabaya.

Sa kampanyang ito ng LTFRB laban sa ganitong klaseng terminal tiniyak naman ni Atty. Mendoza, na ang kampanya ay hindi isang ningas – kugon.

Hindi naman kasi lingid sa atin kaalaman na ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ay may mga sariling kampanya kontra sa kung saan…iyong ngang lang kapansin-pasnin na masigasig lang sa simula. Ngunit sa mahigit 120 SCOs na naipalabas na sa buong bansa ng LTFRB, ito ay hudyat na seryoso ang LTFRB na linisin ang hanay ng terminal operators.

E paano naman iyong mga napadalhan na ng SCO pero ayaw sumunod? E ‘di ipasara!

Bilang mga komyuter naman – ikaw ako, tayong lahat, tulungan natin ang LTFRB – ‘wag tayong manatili sa pagtitiis kung hindi ay kumilos at magreklamo – kung marumi ang pasilidad o kung delikado ang paligid.

‘Ika nga, ang kooperasyon sa pagitan ng gobyerno, mga operator, at publiko ang susi upang ang bawat biyahe ng Pilipino ay hindi na maging isang kalbaryo, kundi isang ligtas at komportableng karanasan.