Advertisers

Advertisers

Michelle Dee, Rhian, Samantha pinadalhan ng subpoena ng NBI

0 19

Advertisers

PINADALHAN na ng National Bureau of Investigation (NBI) ng subpoena sina Michelle Dee, Rhian Ramos, at Samantha Panlilio.
Kinumpirma ni Atty. Maggie Abraham-Garduque na nakatakdang humarap ang tatlo sa NBI sa Biyernes, Pebrero 27. Kaugnay ito ng reklamong illegal detention, physical injuries at paglabag sa anti-torture na inihain laban sa kanila.
Isinampa ito ni alyas “Totoy” na driver at personal assistant ni Ramos, at umano’y naabuso dahil sa angpao na sinasabing kinuha nito.
Inihayag ni Garduque na bahagi ng case build-up ng NBI ang pagpapadala ng subpoena upang mabigyan ng pagkakataon ang respondents maipahayag ang kanilang panig.
Dagdag pa niya, susunod sila sa kautusan, rerepasuhin ang mga ebidensyang nakalap, at magsusumite ng counter-affidavit kung kinakailangan.
Samantala, kinumpirma rin ng abogado na natanggap ni “Totoy” ang subpoena mula sa Office of the City Prosecutor of Makati kaugnay naman sa hiwalay na kasong ‘qualified theft’ na inihain ni Dee laban dito.