Advertisers

Advertisers

Bgy. chairman pinatay sa loob ng bahay

0 16

Advertisers

NATAGPUANG bangkay ang isang punong barangay sa loob ng kanyang bahay sa bayan ng San Joaquin, Iloilo.
Kinilala ang biktima na si Richard Sapalo, 53-anyos, tserman ng Barangay Gino-t-an.
Batay sa report ng San Joaquin Municipal Police Station, 10:00 ng gabi ng Miyerkules nang umuwi ang biktima sa kanyang bahay, at 2:00 ng madaling araw nang may narinig na putok sa kanyang kuwarto.
Ayon sa pulisya, nakitang patay si Sapalo nitong Huwebes ng umaga na may tama ng bala sa bibig at ti-yan.
Nguni’t hindi umano ito pinansin ng mga kasama sa bahay sa pag-aakalang may nahulog lang na bagay sa sahig.
At 5:30 ng madaling araw nang madiskubre ang duguang katawan ng biktima.
“Based sa ating investigation, sa likod ng bahay dumaan ang perpetrators at pumasok sa kaniyang silid. Ang likod ng bahay, hindi naka-lock, at wala rin lock ang silid,” ayon kay Captain Isagani Tabares, officer in charge ng San Joaquin Municipal Police Station.
Napag-alaman din na nakatanggap si Sapalo ng banta sa buhay nitong nakaraang Enero sa pamamagitan ng tawag sa radyo.
“Nag-greet ako ng Happy New Year sa mga residente, sa barangay council. ‘Kap, happy condolence, Kap.’ Medyo bata pa ang kaniyang boses,” kuwento ni Barangay Ginot-an Councilwoman Lilybeth Locsin.
Kasunod ng natanggap na banta, pansamantalang tumuloy si Sapalo sa kaniyang kapatid. Nitong Pebrero nang bumalik sa kaniyang bahay ang biktima.