Advertisers

Advertisers

MAS MAHIGPIT NA SISTEMA SA LATE BIRTH REGISTRATION, PINATUTUPAD

0 45

Advertisers

Mas pinaigting ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang mga panuntunan sa delayed registration ng birth certificate upang maiwasan ang pang-aabuso sa sistema.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon Public Briefing, sinabi ni PSA Assistant National Statistician Marizza Grande na ipinatutupad na ang mas mahigpit na proseso sa ilalim ng Memorandum Circular 2024-17.

Kabilang sa mga bagong requirement ang mandatory personal appearance ng registrant na 18 taong gulang pataas at ang enrollment sa National ID system para makuha ang biometrics at iris scan.

Aniya, layunin nitong matiyak na ang nagpa-file ay siya mismo ang may-ari ng dokumento.

Kaya inaatasan din ang mga aplikante na magsumite ng barangay certification bilang patunay ng aktuwal na paninirahan, bukod pa sa karagdagang dokumento kaugnay ng pagkakakilanlan ng mga magulang.

Paliwanag ng PSA official, mahalaga ang mga pagbabagong ito dahil wala namang litrato ang birth certificate, kaya kailangang may mas matibay na beripikasyon upang maiwasan ang pekeng pagpaparehistro. (Gilbert Perdez)