Advertisers
Humihiling si Atty. Cesar “Mong” Dela Fuente, o mas kilala bilang KaTanggol Mong Dela Fuente, isang abogado at independent na tumakbo bilang Bise-Gobernador noong 2025, ng paliwanag mula kay Governor Humerlito “Bonz” Dolor tungkol sa umano’y hindi natupad na “flood mitigation plan” sa lalawigan.
Ayon sa lumang “flyer” na ipinamigay noong 2019, ang planong ito ay dapat naipapatupad sa unang anim na buwan mula Hulyo hanggang Disyembre na aprubado noong 2011. Nakasaad umano dito na gagamitin ang pondo mula sa 2019 Annual Investment Program (AIP) at DRRM Calamity Fund para sa dredging at pagpapalalim ng heavily silted na ilog.
Sa kanyang Fb post, nanawagan si KaTanggol Mong Dela Fuente: “Maaari po bang malaman naming mga mamamayan kung ano na ang nangyari sa mga pangakong ito? Nilagdaan pa ho ninyo ito at ipinamigay ang polyetos sa halos lahat ng bahay sa Oriental Mindoro. Napilitan na po tayong magtanong dahil sa lumalalang pagbaha.”
Dagdag pa niya” Wala ho kaming nababalitaang plano o aksyon mula sa Pamahalaang Panlalawigan maliban sa nahintong dredging ng mga pribadong kumpanya na anim na taon ay wala namang nangyari at maaring makasalanta sa pang-pang ng ating mga dagat.”
Ayon kay KaTanggol, kung pulitikal man ang motibo sa paglalabas nito, marahil ay dapat itong ipinahayag noong nakaraan pang halalan, ngunit pinili niyang ilahad ito ngayon upang malinaw na maipaliwanag sa publiko ang sitwasyon.
Binibigyang-diin niya na ang liham ay paalala sa pamahalaan tungkol sa natitirang dalawang taon ng kanilang termino at pangako hinggil sa flood mitigation plan.
***
GOV. DOLOR, SINISINGIL NA SA KANYANG PANGAKONG P7. 39 PER KILOWATT GENERATION COST SA KURYENTE
Bukod sa flood mitigation plan sinisingil din ngayon ng mga taga Oriental Mindoro si Gov. Dolor sa kanyang naging anunsyo noong Abril 14, 2025 ng mababang presyo ng kuryente at maaasahang suplay na na kuryente na ipinangako ng gobernador sa mga residente na magsisimula umano sa Hulyo 2025 ang P7. 39 (Siyete pesos and thirty nine centavo) per kilowatt matapos lagdaan ng Oriental Mindoro Electric Cooperative Inc. (ORMECO) at mga supplier ang kasunduan na 57MW Guaranteed Dependable Capacity (GDC).
Ayon sa anunsyo ng gobernador, simula Hulyo 2025, mararamdaman na umano ng mga taga Oriental Mindoro ang ginhawa sa kuryente at ang inaasahang P7. 39 per kilowatt na generation cost na hindi umano natupad.
Gov DOLOR, anyare sa pangako mo 2026 na?
Tama nga ang kasabihan, pinangakoan kana gusto mo pa tuparin?! Toinks!
***
Anumang reaksyon o suhestiyon itext sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email balyador69@gmail.com