Advertisers

Advertisers

PBBM nagkasa ng panibagong cabinet revamp

0 79

Advertisers

NAGPATUPAD ng panibagong balasahan sa kanyang gabinete si Ferdinand Marcos Jr. kasunod ng pagtatalaga kay Environment Secretary Rafael Lotilla bilang susunod na Ambassador ng Pilipinas sa Holy See.

Sa anunsyo ni Palace Press Officer at PCO Undersecretary Atty. Claire Castro, sinabi nitong personal na itinalaga ng Pangulo si Lotilla sa bagong diplomatic post.

Aniya, hindi nagbitiw at hindi rin pinagbitiw si Lotilla sa kanyang tungkulin, kundi bahagi ito ng tiwala at bagong atas ng Pangulo.



Si Lotilla ay nagsilbi ring Kalihim ng Department of Energy bago itinalaga bilang acting secretary ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), kung saan pinangunahan niya ang ilang mahahalagang programa sa sektor ng enerhiya at kalikasan.

Kasunod ng kanyang bagong assignment, itinalaga naman ng Pangulo bilang acting secretary ng Department of Environment and Natural Resources si Undersecretary Juan Cuna.



Si Cuna ay beterano na sa ahensya—nagsimula bilang director, naging assistant secretary, at kalaunan ay undersecretary for field operations.

Dahil dito, inaasahang magpapatuloy ang mga programa at reporma ng DENR sa ilalim ng kanyang pamumuno.



Ipinapakita ng hakbang na ito ni PBBM ang patuloy na pagre-realign ng administrasyon upang ma-tiyak na ang bawat opisyal ay mailalagay sa posisyong higit na makatutulong sa pambansang interes, kapwa sa loob at labas ng bansa. (Gilbert Perdez)