Advertisers

Advertisers

Kaligtasan ng mga OFWs sa Gitnang Silangan pinatitiyak ni PBBM

0 37

Advertisers

NAGPAHAYAG ng pag-aalala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay ng mga airstrikes na tumama sa Iran.

Ayon sa Pangulo, nakatanggap na ang pamahalaan ng mga report hinggil sa naturang insidente at kasalukuyan nang kinukumpirma ang karagdagang detalye ukol dito.

Binigyang-diin ni Marcos na sa gitna ng umiinit na sitwasyon sa Gitnang Silangan, nananatiling pinakamahalaga ang kaligtasan ng mga Pilipinong nasa Iran at iba pang bahagi ng rehiyon.



Aniya, agad siyang nagbigay ng direktiba upang matiyak ang kanilang seguridad.

Inatasan ng Pangulo ang Department of Foreign Affairs (DFA) at ang Department of Migrant Workers (DMW) na tukuyin ang kinaroroonan ng mga Pilipinong nasa mga apektadong lugar na agad namang umaksyon hinggil dito.



Layunin nitong masiguro na agad silang mabibigyan ng kaukulang tulong at proteksyon kung kinakailangan. (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">