Advertisers

Advertisers

2 IMPEACHMENT COMPLAINTS VS VICE PRES. DUTERTE ‘SUFFICIENT IN FORM’

0 37

Advertisers

IBINASURA ng House Committee on Justice ang unang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte na inihain at inindorso ng Makabayan Bloc noong February 2, 2026.

Sa botohan ng komite, 22 miyembro ang bumoto na dapat itong ibasura dahil sa paglabag sa ‘one-year rule bar’ dahil batay sa desisyon ng Korte Suprema na nagdedeklara sa ika-apat na impeachment complaint na inihain noong nakaraang taon, magiging epektibo ang panibagong paghahain ng impeachment sa Pebrero 6.

Sampu (10) ang tumutol sa mosyon ng pagbasura kabilang ang mga nag-endorso na sina Gabriela Representative Sarah Elago, Kabataan Rep. Sheree Co, at ACT Teachers Rep. Antonio Tinio.
Nilinaw ni Batangas Rep. Gerville Luistro, chairperson ng House Committee on Justice na ang pag-“set aside” sa unang impeachment ay nangangahulugan ng pagbalewala o pagbasura dito.



Dahil dito, dalawa na lamang ang natitirang reklamo na pagbobotohan sa sufficiency in substance, ito ay ang ikatlo at ang ika-apat na impeachment complaints, ang Zavala et al at ang inihain ni Atty. Nathaniel Cabrera matapos na makumbinsi ang mayorya ng komite na may sapat na porma ang mga ito.

Dineklara ng House Committee on Justice na “sufficient in form” ang inendorsong impeachment complaint ni ML Party-list Rep. Leila de Lima laban kay VP Sara.



Ngayong Martes, Marso 3, 10:00 ng umaga, magpapatuloy ang pagdinig para sa sufficiency in substance.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">