Advertisers

Advertisers

PNP alerto sa posibleng banta sa sigalot ng US-Israel vs Iran

0 74

Advertisers

TINIYAK ng Philippine National Police (PNP) na nananatili silang handa sa anomang posibilidad na bantang idulot ng sigalot sa pagitan ng mga bansang Estados Unidos at Israel laban sa Iran.

Sa isinagawang press briefing ni PNP Chief, General Jose Melencio C. Nartatez, Jr., sa PNP National Headquarters sa Camp Crame nitong Lunes, Marso 2, 2026, sinabi niyang huwag mabahala ang publiko dahil nakaalerto na sila.

“So far, the conflict in the Middle East—and not only in the Middle East—involving our partners here ay wala pa namang nangyari. Huwag dapat mabahala ang ating mga kababayan para sa ganiyan na nangyayari. Of course we are still on guard,” ani Nartatez.



Sabi pa ni Nartatez, nananatiling matatag ang kanilang pananagutan para siguraduhin ang seguridad ng publiko, may nangyayari man daw na sigalot sa iba’t ibang mga bansa o wala.

“With or without the conflict in the Middle East, the Philippine National Police is standing firm especially in our commitment to keep the public safe…” aniya.



Dagdag pa niya, “Aside from that, we are looking at the different organizations, different health establishments, and the particular personalities.”

Pagpapatuloy ng heneral, mahigpit din nilang binabantayan ang mga embahada at ambassador ng US at Israel na nasa loob ng bansa.



“Nand’yan ang ating US Embassy, Israel VIPs, the ambassadors, etc., and ‘yung establishments nila and their activities. So kailangan natin i-secure ‘yun,” paglilinaw niya.

Bukod sa mga ito, higit na mahalaga rin aniya na mabantayan ang Pilipinas dahil kakampi ito ng mga nasabing nag-aalitang bansa.

“Not only them but of course tayo na because we have ally to be to these two countries and the rest of the countries na ally to them,” pagtatapos niya.